CHAPTER 4

2.8K 132 2
                                    

CHAPTER 4 | VAMPIRE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 4 | VAMPIRE

Kadiliman. Iyan ang bumabalot sa buong paligid na puno ng pintuang may nakasabit na gintong pocket watch sa gitna. Ipinasok ko sa isang binuksang pinto ang aking kamay, para iyong lumusot sa kumunoy. At sa aking pagmamasid ay mayroong ilang pintuan na nababalutan ng gintong kadena.

Ano ang lugar na ito?

Narinig ko ang tinig ng isang babae na tumatawag sa aking pangalan. Narinig ko iyon mula sa isang pintuan na ang pocket watch ay parang hinihipan ng hangin sa paggalaw. Samantalang iyong ibang pocket watch na nakasabit sa gitna ng mga pintuan ay hindi naman gumagalaw.

"Kunin mo ang orasan at pumasok ka," dinig kong sabi ng isang babae.

Ginawa ko iyon nang walang pag-aalinlangan. Mukha namang patay na ako kaya ano pa ang ikakatakot ko sa kung ano ang mangyari sa akin? Wala na.

Nang pumasok ako sa pintuan dala ang pocket watch, napunta ako sa isang magarbong silid. Kumpleto sa gamit at mukhang mamahalin. Isang babae na nakatingin sa salamin ang umagaw ng aking atensyon. Mahaba ang buhok nito sa kaliwa ngunit maikli ang sa kanan. Pula ang kulay ng mata nito at maputla ang kutis.

Pati ba naman dito sa impyerno may bampira akong makikita?

"Seira, ang pangalan ko ay Shenna Alastair. Isang pureblood vampire. Ako ang bampira na malapit sa iyong tabi nang dalin ka ni Xenon Benforth sa laboratoryo. Sa akin ang dugo na isinalin sa iyong katawan para gawin kang isang pureblood vampire na tulad ko, at makuha mo ang lahat ng aking kakayahan. Alam ko na ito ang ating sasapitin sa kanyang mga kamay, ngunit pinili kong mamatay para lamang mabuhay ka dahil ikaw ang nakatakdang mapangasawa ng aming pinuno. Pakiusap, mahalin mo ang pinuno namin na si Rylee nang buong-buo."

Shenna Alastair? Hindi ko siya kilala.

Ano kaya ang sinasabi niya na isinaling dugo sa akin para maging pureblood vampire ako? Wala naman akong napansin. Pero posible ba iyon mangyari kung hindi naman ako nakagat ng bampira? At anong kakayahan ang tinutukoy niya? Kung magsalita pa siya parang kailangan ko pang ipagpasalamat na nabuhay ako at namatay siya. Mas gusto ko nga na mawala na lang para matakasan ko na ang delubyo na nangyayari sa buhay ko.

Kahit na ang totoo ay takot akong mamatay.

Wala rin akong naintindihan sa kanyang sinabi tungkol sa pakiusap niyang mahalin ko ang isang bampirang hindi ko naman kilala. Bakit ibubuwis niya ang buhay niya para lang mapangasawa ko ang pinuno nilang si Rylee? At asa naman siyang gumusto ako sa tulad niyang bampira. Nahihibang na ang babaing ito.

Nang imulat ko ang aking mga mata, nasa silid ako na puno ng gamit. Hindi tulad sa silid kung saan ako dinala ni Xenon. Ang silid na ito ay mayroong kulay pulang pintura at itim ang kulay ng mga gamit. Maaliwalas itong tingnan at malinis.

"Panaginip lang ba iyon?"

Inilapat ko sa aking dibdib ang palad ko. Ramdam ko ang tibok ng aking puso. Buhay ako. Pero nasaan ako? Mali. Hindi ito ang tamang oras para isipin ko kung nasaan ako. Kailangan kong makatakas sa lugar na ito.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now