CHAPTER 52

792 52 10
                                    

CHAPTER 52 | CHANGING

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 52 | CHANGING

Pangarap niya? Bakit iba ang kailangang gumawa? Saka—

"At sa tingin mo susundin niya ang tulad mo?"

Si Irusca ang pinakamalakas na pureblood ayon kay Malori. Wala akong nakikitang dahilan para hindi maniwala sa bagay na iyon. Pero ano ang dahilan para sumunod si Irusca sa isang sorcerer na tulad ni Malori?

"Manood ka ng mabuti, Seira. Tingnan mo ang lahat ng kilos ni Irsuca. Aralin mo ang bawat galaw niya."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko 'tapos ngayon uutusan mo ako. Iba ka rin eh."

Wala naman akong choice dahil kung nasaan si Malori, naroon din ako. Kung ano ang nakikita niya, nakikita ko rin naman.

Mula sa malayo, tinanaw ni Malori si Irusca. Puno ng dugo ang mga kamay nito at mayroon pa itong bitbit na isang sorcerer na yukong-yuko na at mukhang wala nang buhay.

Nagpapasalamat ako at hindi ko nakita ang ginawa ni Irusca dahil baka masuka na lang ako. Hindi kaya ng kaluluwa ko ang makakita ng kahit na sinong pinapatay sa harapan ko. Hindi ko kayang sikmurain.

Sa itsura pa lang ng paligid, kinikilabutan na ako. Pula na ang kulay ng lupa sa dami ng nakahandusay na sorcerer. Ang iba, tagusan ang natanong sugat sa katawan. Nakakapanghina. Ang buhay na lamang sa mga sorcerer ay si Khiel.

"Sayang, hindi natin naabutan ang buong laban niya. Gusto ko sanang ipakita sa iyo kung gaano kabilis para sa kanya ang ubusin silang lahat."

"Hindi ko na kailangan makita! Kanina lang siya bumaba sa lintik na bundok na iyon! 'Tapos ito agad ang nagawa niya. Tingin mo hindi ko maiisip kung gaano siya kalakas at kabilis kumilos?"

At parang proud pa siya huh. Hindi ba siya nalulungkot para sa mga kasamahan niya? Napapaisip tuloy ako kung tao ba talaga itong si Malori o bampira. Sa salita niya parang sa mga bampira pa siya pabor na pabor. Ang weird niya.

Nakakita ako ng liwanag sa kamay ni Khiel. "Hindi ko inasahan na bababa ka rito pauwi na parang nagmamadali. Paano mo nalaman na narito kami?"

Irusca tilted his head. "I wonder?"

Bumukol ang ugat sa sintido ni Khiel sa tindi ng galit. Sino ba naman ang hindi maiinis sa ginawa ni Irusca? Kahit ako baka nasapak ko siya. Lakas mang-asar.

"Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo, Irusca."

Irusca smirked. Sobrang talas tingnan ng mga mata niya at parang thrilled pa siya na hindi aatras ang kalaban niya sa kanya. Daig niya ang uhaw na uhaw sa dugo. Buti hindi pa ako buhay sa panahong ito. Dahil kung hindi baka sa takot pa lang patay na ako. Iba ang nararamdaman ko kay Irusca. Sabik siya sa laban.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now