CHAPTER 16

1.5K 82 4
                                    

CHAPTER 16 | BROTHER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 16 | BROTHER

Interisado ako na malaman kung sino ang bampirang tumawag sa pangalan ko. Pero ang malaman na maaaring patay na ang bampirang iyon ay bigla akong nawalan ng kaunting interes— mga pipti. Paano ko pa matatanong kung bakit alam ng bampirang iyon ang pangalan ko, ano ang nais nitong iparating sa akin at bakit ako?

Pero kahit medyo nawalan na ako ng gana, aalamin ko pa rin kung ano ang alaalang nasa likod ng pocket watch na iyon. Pakiramdam ko mahalaga na makita ko ang isang iyon.

"Curious?" tanong ni Akkey.

"Narinig mo naman siguro 'di ba? Bakit kasi hindi mo na lang ako tulungan. Sabihin mo sa akin kung sino-sino ang mga bampirang nagkaroon ng icarus of time."

"Hindi kita matutulungan diyan."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit?"

"Wala pa ako rito sa muno may bampira nang nagmamay-ari ng icarus of time. Sa ating dalawa, ikaw ang makakasagot niyan. Alamin mo sa icarus of time mo."

May punto siya. Pero puwede naman niyang sabihin sa akin iyong mga naabutan niya lang.

"Paano ko iyon gagawin?"

"Magbasa ka. Hindi ka ba binigyan ni Rylee ng libro para sa icarus mo?"

Oo nga pala!

"Good. Mukhang nabigyan ka naman pala. Pero bago mo unahin ang misteryosong bampira na iyan, mag-aral ka muna para sa klase natin kay Skaia. Dahil aasarin ka ng mga naiinis sa iyo kung babagsak ka."

Ginawa kong motivation ang itsura ng mga naiinis sa akin para makabisado ko ang bawat uri ng closed-circuit television para sa klase namin kay Skaia. Gusto kong makita ang mga mukha nilang tulala dahil ang tinatawag nilang baguhan ay makakasabay sa kanila.

Patutunayan ko sa kanilang lahat na mayroon akong kayang gawin, na nindi ako habang buhay magiging mahina. Hindi nila ako maaalala dahil lang sa isa akong bampira mula sa eksperimento ng Razafrei. Kundi dahil magaling ako. Makikilala nila ako mismo sa pangalan ko. At hindi sa pangalan na nagmamay-ari ng dugong nasa katawan ko.

Itinuro sa amin ni Akkey ang pagkakaiba ng bawat closed-circuit televesion, kung saan iyon madalas na ilagay at kung hanggang saan ang sakop nito sa iba't ibang anggulo. Ipinakabisa niya sa amin ang mga iyon hanggang sa wala na kaming mali kahit isa. Kaya ang kinalabasan, tatlong oras lang ang tulog naming lahat.

Kinaumagahan, hindi namin nakasama si Mavrei nang uminom kami ng dugo ng hayop. Siguro naiilang siyang uminom ng dugo ng tao sa harap namin. Kahit naman ako. Ito pa nga lang dugo ng hayop problemado na ako. Kung iisipin ko ng mabuti, mandidiri ako na dugo ang iniinom ko. Pero sa tuwing dadampi na iyon sa dila ko, hindi ko mapigilan na uminom ng mabilis.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now