CHAPTER 48

893 55 6
                                    

Disappointed ako sa sarili ko dahil nagpadala ako sa matinding galit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Disappointed ako sa sarili ko dahil nagpadala ako sa matinding galit. Ako na laging nagpapangaral kay Rylee tungkol sa mga ginagawa niya. Nakakahiya. Ang galing ko manermon pero hindi rin naman pala ako naiiba sa kanya. Madali nga talagang mangaral. Pero iba pala talaga sa pakiramdam kapag harapan mo nang nakita. Iyong ikaw na ang nakaranas.

Sobrang nakakagalit ang paraan ng mga tao sa paglaban, hindi ka talaga bubuhayin.

Fight to save huh? Parang ayokong maniwala kung ang mga makakalaban ko naman nasusunog na ang kaluluwa.

"Seira!"

Mabilis akong napalingon sa kanan nang marinig ko mula roon ang malakas na boses ni Rima. Nagulat na lang ako nang makita kong nasa tabi ko ang lahat ng member ng team Falcon. Mayroon silang hinarang na mga sundalo.

Sa dami ng sundalong inawat nilang makalapit, sigurado ako na kami ni Akkey ang dapat na tatamaan. Lumapit lang siguro sila agad para tumulong.

Sa oras talaga ng panganib hindi mo na maiisip kung sino ang kinaiinisan mo. Nakakagulat para sa team Falcon ang tulungan kami ni Akkey.

Nabaling ang mga mata ko kay Larena nang lumingon siya sa amin dalawa ni Akkey. Halata ko sa expression ng mukha niya ang matinding galit.

Opkors, galit siya. Puwede ba namang hindi.

Hinagis ni Larena ang isang dagger kay Akkey. "Mayroon pa kayong oras mag-usap sa gitna ng laban?!  Kung nagkataon na hindi namin kayo natulungan paglalamayan kayo agad!"

Para akong sinuwag ng sampung kalabaw dahil sa sinabi ni Larena. Tama siya. Hindi ito ang tamang oras para isipin ko ang mga hindi ko dapat gawin. Kailangan kong lumaban. Hindi ko dadalin sa wala ang kakayahan na mayroon ako.

Iniwan ko si Akkey at inakyat ko ang pinakamataas na balcony na kaya kong marating. Salamat kay Icarus, nasanay akong umakyat sa matataas na lugar. Kaya ngayon hindi na ako nahihirapan. Iyon nga lang hindi ako kasing bilis ni Icarus.

Napili kong spot ang balcony dahil kailangan kong makita ang lahat ng sundalo na pumasok dito sa loob. Pipiliin ko ang mga malapit sa entrance papunta sa second floor. Ang kailangan kong unahin ay mapabagal ko ang kilos nila. Marami pang bampira na nasa taas, kailangan kong masigurado na magiging ligtas sila para may lalaban pa kung maubos kami rito sa ibaba.

Tumayo ako sa tabi ng railings at gumawa ako ng baril gamit ang sarili kong dugo. Sinabi noon ni Icarus sa akin na hindi ko kailangan kabisaduhin ang disenyo ng isang baril para magamit ko iyon ng tama. Kailangan ko lang malaman kung paanong palabasin ang bala sa loob pagkalabit ng gatilyo.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now