CHAPTER 64

567 48 34
                                    

CHAPTER 64WORTHY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 64
WORTHY

My brow twitched, when I heard Van's voice in my head. Shit, ano'ng ginagawa niya rito? Sinabi ko nang huwag siyang susunod dito. Mapapagalitan siya ni Rylee. Kailangan ko siyang pabalikin sa puwesto niya. Dahil kung hindi—

I can hear a true friend there. Iyon nga lang, medyo parang nasobrahan sa sabaw ang isip niya. Malinaw pa sa mata kong modified ang sinabi ni Skaia kanina na, sa akin siya kampi. Kaya anong pinagsasabi nitong si Van?

"Bakit nandito ka?" Van asked calmly.

To help me of course. Hindi ako makasabat dahil parang si Skaia lang ang bampirang nakikita ni Van ngayon. Once na magsalita ako, magmumukha lang akong ewan na kumausap sa hangin.

Skaia showed the full strength of her fists. "I'm here to fight."

Van tilted his head in confusion. Then, parang may na-realize siya na hindi ko mawari saka siya ngumiti. Sumasakit ang ulo ko sa Batang ito. Mas mahirap pa siyang unawain kumpara sa English ko.

"Salamat, pero ayos na kami rito. Sinabi ko naman sa 'yo kanina 'di ba? Kaya na namin dito. Bumalik ka na sa gate ng Prison bago pa malaman ni Rylee na nandito ka. Alam mo naman iyon. Tsaka importante ito para sa kanya." Van explained, as if he's trying to persuade Skaia—politely.

I became anxious when I felt something strange from Vandor. Oh my, he's a living monster. When he started to talk, I knew he has an intention to kill someone later.

"Hindi mo ba nakikita ang barcode sa leeg niya, Van?"

"It's fake, okay? Ako na rito. Huwag na kayong makialam."

Van, I have one. So I know it's real.

I smiled and winked when Van looked at me ferociously.

"I'm not talking to you, Traitor."

"Same goes for you," I said.

"Hindi ako katulad mo!"

"Yes. Traitor." Heleina suddenly said something out of nowhere. She nodded and smiled like she figured something out. "Turtleneck top and jackets with hoodie. I thought at first you just wanted to hide your face. But who would have thought na itinatago mo lang ang bar code sa leeg mo? Ngayon alam ko na—na ang galit sa mga mata mo noong una kang dalin dito sa Retina ay para kay Rylee at hindi kay Xenon."

Super late reaction naman ito. Parang ugali niya, late mag-improve.

"Hindi ka nagkakamali, Heleina. Para sa kanya nga ang galit ko. At sa araw-araw na nakikita ko siya, gusto ko siyang bawian ng buhay. Sakim ang lalaking iyon, gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. Kahit marami siyang masaktan o masagasaan. Kahit ikaw," Skaia explained.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now