CHAPTER 49

913 75 19
                                    

CHAPTER 49 | BACK

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 49 | BACK

"Seira?!"

Mabilis akong inilabas ng imperium of time mula sa nakaraan bago ko pa masagot si Icarus. Nasa isip ko pa lang na kausapin si Icarus at magtanong kung anong gagawin nilang hakbang dahil sa nangyari, napatalsik na ako agad. Grabe. Advance talaga kumilos ang imperium of time. Nasa isip ko pa lang pipigilan na ako agad.

Pinilit kong itaas ang isa kong kilay para magmukha akong nagtataray. "Problema sa sinabi ko? Nakakausap ko naman talaga si Icarus sa nakaraan. Bakit doon hindi ko siya puwedeng kausapin? Dahil ba nakaraan iyon ng iba at hindi kay Icarus? Duga mo naman. Tsaka wala naman akong information na sinabi sa kanya na hindi niya dapat malaman ah."

As usual, para lang akong nagreklamo sa hangin. Alam ko naman na walang sasagot sa akin. Nag-fee-feeling lang ako na mayroon. Noong una kasi na gamitin ko ang imperium of time, parang wala lang. Feeling ko mag-isa lang ako. Mga sumunod na subok, nadadaan ko na sa pagpaparinig ang imperium of time. To the point na ang nasa isip ko may sarili itong isip. Hanggang sa makuha ko sa pang-aasar ang imperium of time para gawin ang gusto ko. Malay ko ba someday sagutin na rin ako ng imperium of time dahil sa kadaldalan ko.

"Pinakita mo sa akin iyon 'tapos ganyan ka."

Napbuntong-hininga ako nang maalala ko ang ginawa ng mga tao sa ilang myembro ng pamilya Retina. Nakakagalit ang nangyari. Handa na silang makipagkasundo. Nagbigay na sila ng tiwala at humarap sila ng may malinis na intensyon. Pero niloko lang sila ng mga tao. Hindi naging sapat sa kanila ang utos ng presidente para makipag-ayos. Nanaig pa rin sa kanila ang takot sa mga bampira.

Hindi ko alam na ganito na pala katindi ang ginawa ng mga tao sa mga bampira noon. Akala ko madaling paraan ang makipagkasundo na lang para maiwasan na ang gulo. Akala ko iyon na tamang solusyon. Pero hindi pala.

Dahil sa mga nalalaman ko. Parang ayoko na rin tuloy maniwala sa pangarap na gusto ni Levira noon para sa mga bampira.

Pero wait...

Kung nakikilala ako ni Icarus noong panahon na iyon, ibig sabihin, kilala na niya ako bago pa man iyon mangyari. Posible kaya na mayroon akong magawa para hindi iyon mangyari?

Napanguso ako nang mapansin kong isa-isang nawala ang mga pinto sa paligid. Parang sinasabi ng imperium of time na huwag ko nang balakin ang nasa isip ko. Feeling ko tuloy pati iyong nasa isip ko naririnig din ng imperium of time. Ibang level na talaga ito.

Kaso hindi ko maintindihan kung bakit ipapakita sa akin ng imperium of time ang ganoong pangyayari sa nakaraan. 'Tapos hindi ako puwede gumawa ng aksyon tungkol sa nakita ko. Para saan pa at nakita ko iyon?

Speaking of nakita...

Nakita ko noon sa imperium of time na pinakasalan ko si Rylee at masaya ang sarili ko noong araw na iyon. Kung totoo na mangyayari iyon ibig sabihin lumaban ako kasama ni Rylee. Lumaban ako sa paraan na gusto niya na noon ay ayaw na ayaw ko.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now