CHAPTER 19

1.4K 76 4
                                    

CHAPTER 19 | GAME

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 19 | GAME

Nakaramdam ako ng matinding panginginig sa buo kong katawan. Iyong pakiramdam na nasistensyahan ka ng kamatayan at ngayon ka na bibitayin. Ganito pala ang pakiramdam na makita ang isa sa mga gusto mong ituring na pangalawa mong pamilya— na wala nang buhay at dumanas ng mapait na kamatayan. Noong mamatay si inang Lina, hindi ko matandaan kung ano ang naramdaman ko nang dalin sa akin ang walang buhay nitong katawan. Siguro dahil na rin sa bata pa ako nang mangyari iyon.

Pero isang lang ang sigurado ako. Umiyak ako mag-isa nang mga panahong iyon.

Pinairal ko ang kahibangan ko. Na kunwari inililipat ko lahata ng natitirang lakas ko sa mga mata ko para magawa kong tingnan ang walang buhay na katawan ni Rima. Imbis na uhaw, kilabot ang naramdaman ko sa dami ng dugong nasa lapag kung saan siya nakahandusay. Parang hinugot mula sa katawan ko ang lahat ng lakas ko. Parang gusto ko na lang mahiga, magpahinga at kalimutan ang lahat ng masasamang nangyari. Pero hindi e. Totoo ang lahat ng ito at wala nang atrasan.

At iyon ang nakakasira ng ulo. Iniisip ko pa lang na mangyayari ito kay Rima ano mang oras, parang hinuhukay na ang sikmura ko pailalim. Ang mas nakakatakot ay paano kung balang araw sarili ko naman ang makita ko na ganito? Hindi ko ata iyon kakayanin.

Huminga ako ng malalim at nag-isip ako ng magandang hinaharap para ikalma ang aking sarili. Malakas ako. Wala na sa diksyonaryo ko ang magpadaig sa takot simula nang dumanas ako ng matinding hirap. Kailangan kong alamin kung ano ang ikamamatay ni Rima at sino ang gagawa nito sa kanya. Kaya ko ito. Gagawin ko ang lahat para magamit ko ang icarus of time sa tamang paraan.

Sinubukan kong hawakan ang katawan ni Rima pero tumagos lamang ang kamay ko roon. Mahihirapan ako. Hindi ko malalaman kung nasaan ang sugat niya. Pero may napansin ako na nakakapagtaka. Ang alam ko sa sugat na natatamo ng mga bampira ay mabilis lang maghilom. Kahit pa dugo ng hayop ang iniinom ni Rima, maghihilom pa rin ang sugat niya. Pero para magkaroon ng maraming dugo rito sa lapag, sigurado na hindi naghilom ang sugat niya.

Pero posible ba iyon?

"Masasayang ang oras ko kung lilibutin ko ang lugar na ito. Kailangan masabi ko ito sa kanila agad."

Pumikit ako ng mabuti at pinilit kong marinig ang totoo sa aking paligid. At paulit-ulit kong sinabi sa isip ko na, babalik na ako. Kaya naman nang mawala na ang ipinakita sa akin ng icarus of time, humawak agad ako ng mahigpit sa braso ni Rima. Pero nanginig lang ako at hindi nakapagsalita. Naguguluhan ako kung dapat ko ba itong sabihin sa kanya o kay Rylee na lang?

Paano kung matakot si Rima at mawalan siya ng tiwala sa kahit na sino sa amin. O 'di kaya naman hindi niya ako pakinggan at mapahamak siya. Paano kung gawan niya ito ng paraan nang siya lang mag-isa? Pero kung ako ang nasa kalagayan niya, kahit mabaliw ako kakaisip kung sino ang killer ko, mas gugustuhin kong malaman ang totoo.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now