Chapter 69

155 9 0
                                    

Chapter 69

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 69

"Akkey?"

Kahit mahina ang gravity manipulation na nagawa ni Akkey, na hindi man lang nagdulot ng kahit na anong pinsala kay Rylee, ayos lang. It was enough to knock me back to my senses and remember something important.

"Your enemies will always strike you where it hurts. They will use your family and friends—all the dirty tricks. So, make sure to hold your heart tight, set aside the pain. It will only corrupt your mind and slow you down. You weren't there to lose a fight, Seira. Because if you lose, you won't be able to protect the people you love."

"Wow, Akkey John, ikaw ba talaga iyan? Na-apply mo naman ba iyan sa sarili mo?"

"Oo naman."

"Weh? Hindi ka pa natatalo kahit isang beses?" I asked.

Akkey smiled. "Natalo na."

"Kanino?"

"Sa 'yo. Napasuko mo agad iyong puso ko. Hindi na nga lumaban eh. Nagpatalo na lang talaga ng kusa."

"Ewan ko sa 'yo."

"Seryoso, huwag kang magpapadala sa galit mo. Hindi ka makakapag-isip ng tama."

"Oo na. Tatandaan ko na."

"Pati iyong puso ko?"

"Ewan ko sa 'yo."

May lakas pa si Akkey, kaya pa niyang gamitin ang kakayahan niya hanggang dito. Ibig sabihin, madali na lang gawin ang plano namin oras na makaharap ko siya.

Hindi ko na pinansin ang mga luhang hindi ko na mapigil. Gumawa na ako ulit ng sampung dagger. But in my surprise, I didn't hear any sound. I know that ability. Sound manipulation. Could it be—

Namilog ang mga mata ko nang makita kong sinaksak ni Vandor si Rylee mula sa likuran. Noong una, akala ko susulpot si Vandor sa harapan ko para labanan ako at tulungan si Rylee. Hindi ko inasahan, na ang sound manipulation na iyon ay para kay Rylee—para hindi nito marinig ang paglapit niya. Dahil doon, hindi nakaiwas si Rylee at tinamaan siya ng patalim sa leeg.

"Kunin mo na!" Vandor shouted.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Mula sa sugat na natamo ni Rylee, kinuha ko ang dugo niya papunta sa akin. Pero hindi naging madali para sa akin na pasanin ang lahat ng lakas na iyon mula kay Rylee.

Bumagsak ako sa simento. Parang sasabog ang buong katawan ko, nangangatog ang mga binti at kamay ko. Pakiramdam ko, lumolobo ang mga daliri ko at ano mang oras ay may kung anong pwersang lalabas mula roon.

Nagtaas ako ng tingin nang lapitan ako ni Vandor. Sinugatan niya ang magkabila niyang pulso. "Kunin mo. Pero huwag mong isama sa dugo mo. Ihiwalay mo sa katawan mo ang iba pang mga dugong nakuha mo para makakilos ka ng maayos. Gawin mo, dahil wala nang aagaw niyan sa 'yo. Natanaw ko mula sa tower ang destructive weapon mula sa ibang bansa, ano mang sandali, tatama na iyon dito sa Retina Organization. Buhay pa ang mga kasamahan ko, nandito pa ang karamihan sa kanilang lahat. Nakikiusap ako—"

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon