CHAPTER 53

824 63 7
                                    

CHAPTER 53 | FIVE YEARS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 53 | FIVE YEARS

Just one-step from that door, I faced an endless darkness. A kind of darkness that even my sharp eyes cannot handle. Matalas ang mata ng tulad kong pureblood specially sa madilim. Pero bakit dito kahit luluwa na mata ko wala pa rin akong makita.

If I am going to describe this situation then that will be, weird. Hindi ganito ang nangyayari sa akin sa tuwing pupunta ako sa nakaraan. Nakakasilaw na liwanag ang bumubulaga sa akin, hindi nakakabulag na kadiliman.

Sigurado naman ako sa sarili ko na si Icarus ang hiniling kong makita gamit ang pocket watch na hawak ko, nang lumitaw sa harapan ko ang pinto kung saan ako pumasok. Kaya—

"Bakit ganito? Nasaan ako?"

"Why are you here?"

Mabilis akong lumingon sa kaliwa nang mayroon akong marinig na boses ng isang babae. Actually, familiar ang boses na iyon sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko iyon narinig.

I tilted my head in confusion. Iyong side kung saan ko narinig ang boses ng isang babae, walang naroon kundi kadiliman. Wala akong ibang makita rito kundi— kagandahan ko lang.

"Hmm."

Susubukan ko makipag-usap. Kaso parang mapapalaban ako, english ako kinausap.

"I'm here to look for someone. Who are you?"

Para akong kumausap sa bula dahil walang sumagot sa akin. Take two!

Kinapa ko ng paa ang daan saka ako naglakad nang dahan-dahan. Baka hindi niya lang ako marinig dahil masyado akong malayo?

"Hello? Can you hear me? Because, me— ano ba ito ang hirap. Me, I can hear you. Ah, clearly? Who are you? What is your name? And where are you?"

"Gusto kitang makausap."

Mabilis akong tumingin sa buong paligid nang marinig ko ang tinig ng isang bampirang inasam kong makita ulit.

"Icarus!"

Lumingon ako sa aking likuran nang makarinig ako ng sumaradong pinto. Mayroong pinto! Pero nasaan?

"Icarus! Nasaan ka?"

"Please, Icarus, umalis ka na. Kung tungkol ito sa inalok sa akin ng mga Oselver hindi mo na mababago ang isip ko."

"Hindi, Levira. Iba ito," Icarus answered.

Bumagsak ang balikat ko nang malusaw ang nararamdaman kong excitement. "I see. Si Levira ang babaing narinig ko kanina. Kaya pala parang pamilyar. Ang tanga ko. Hindi ko man lang napansin na si Levira ang kausap mo at hindi ako."

Alam ko na ngayon na hindi mo ako naririnig. I feel disappointed and hopeless. Sa boses ni Icarus kanina na sobrang lakas akala ko malapit lang siya sa akin. Umasa ako masyado. Feeling ko nga kanina parang nasa tabi ko lang siya. Pero ang totoo ang layo pala niya. Panay ang salita ko rito si Levira naman pala ang kausap ni Icarus. Nakakinis silang dalawa. I guess, ito ang nilalaman ng mga pocket watch na hindi ko na mapupuntahan dahil isa-isa nang naglaho.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now