CHAPTER 27

1.2K 82 25
                                    

Ang picture na nasa baba ay napulot ko sa Pinterest. Puwede niyo bisitahin iyong artist sa namusw.tumblr.com. Si Chrollo ng HxH ang nasa utak ko nang maisip ko ang character ni Icarus. Lol. Na-late ang update ko dahil umalis ako kanina. At may lakad ulit sa sunday, kaya ito, tinapos ko ang update kahit inumaga na. Haha! Enjoy reading and God bless.

 Haha! Enjoy reading and God bless

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 27 | NO-ONE

"Ayoko."

Mas mabilis pa sa bampira ang sagot ni Icarus sa akin. Halata na hindi niya pinag-isipan ang sinabi ko. Pero ano nga ba ang aasahan ko sa kanya? Hindi naman niya ako gaanong kilala para tulungan niya. Pero dahil pinanganak akong makulit, sorry na lang siya. Dahil wala akong balak na sumuko hangga't hindi ko siya napapapayag sa gusto ko. Isa pa, kailangan kong matuto mula sa pureblood na naka-perfect na ng kapangyarihan na mayroon ako. At si Icarus iyon.

"Gusto kong matutong lumaban para sa mga importante sa buhay ko. Ayokong maging mahina."

Plain ang ekspresyon ng mukha ni Icarus nang lumapit siya sa akin. "Hindi ko na problemang mahina ka at wala kang magawa." Naglakad siya patagos sa akin saka lumabas ng kuwarto.

Sinundan ko si Icarus palabas ng kuwarto at sinabayan ko siyang maglakad.

"Alam ko na hindi mo problema ang problema ko. Pero kasi nabalitaan ko na ikaw ang pinakamalakas sa lahat ng pureblood. Magaling ka, matapang at malakas ka nga. Kaya ito ako oh, sa iyo ako nalapit kasi magaling ka."

Pinuri ko siya para sana pansinin niya ako pero wala siyang naging reaksyon. Take two.

"Hindi mo pa siguro alam ang pakiramdam na wala kang magawa para makuha mo iyong mga gusto mo sa buhay. Kasi pinanganak ka nang malakas. Hindi mo kailangan mahirapan. Hindi tulad ko na mahina. Mawawala sa akin ang mga importante sa buhay ko nang walang nagagawa."

Sinulayapan ko si Icarus para alamin kung nagbago ba ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa pag-iinarte na ginawa ko. Pero talagang matigas ang puso ni Icarus dahil mukha pa rin siyang walang pakialam. Una, pinuri ko siya. Pangalawa, kinunsensya ko siya. Walang umubra kahit isa. Sabagay, napatay niya nga noon ang buong angkan ng Oselver kasama ang sarili niyang pamilya. Ako pa ba ang maunawaan niya?

Dahil sa katahimikan ni Icarus, napakinggan ko tuloy ang usapan ng mga bampirang nakakasalubong namin. Iisa lang ang pinag-uusapan nilang lahat. Iyon ay ang kasiyahan na nagaganap sa isang silid na sinasabi nilang nakakabusog.

"Icarus— disidido ako na maturuan mo ako. Ano ba gusto mong kapalit para mapagbigyan mo ako?"

Hindi sumagot sa akin si Icarus. Pero sinundan ko pa rin siya kahit tinatrato niya akong invisible. Nang makarating kami sa isang silid, bumungad sa akin ang nakakadismayang itsura ng mga bampira na umiinom ng dugo sa basong sexy. Para silang umiinom lang ng juice habang nagkukwentuhan. Hindi makikita sa mukha nila ang pagkasabik na uminom ng dugo. Tipong hindi nila iniisip kung mayroon pa silang maiinom ulit kinabukasan.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now