CHAPTER 28

1.1K 77 19
                                    

Natagalan ang update ko una dahil may kusang reboot ang modem namin. Pangalawa, sumasakit ang ulo ko dahil sa mata ko. Parang parehong mata ko na ang may astigmatism at baka tumaas na naman ang grado ng mata ko. Pero sana mali ako. Iniwi, enjoy reading and God bless.

 Iniwi, enjoy reading and God bless

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 28 | FALCON

Umalis ako sa nakaraan matapos kong magpasalamat nang paulit-ulit kay Icarus. Narindi nga lang siya sa akin kaya nilayasan niya ako bago pa man din ako makaalis.

Pinagmasdan ko ang pocket watch na agad namang lumitaw at kusang sumabit sa itaas na bahagi ng asul na pinto. Twenty. Iyan na lang ang dami ng pinto na maaari kong pasukin gamit ang pocket watch na iniwan ni Icarus sa sarili niyang icarus of time— o mas kilala sa panahon niya bilang imperium of time.

Sa maikling oras na dumaan dalawa agad ang nagamit ko ngayong araw pa lang. Dahil iyon sa itinapon ako ng icarus of time pabalik sa pinanggalingan ko dahil sa kadaldalan ko. Malay ko bang marami pa lang bawal. Napilitan tuloy ako na bumalik at magsayang ng isa pang pocket watch para muling makiusap kay Icarus.

Ang ending, dalawa agad ang nabawas. Pero ayos lang dahil naturuan naman ako ni Icarus. Malaking tulong iyon para sa akin.

Tiningnan ko ang pocket watch na nasa aking kamay.

Tatlo na ang nabawas sa pocket watch na iniwan ni Icarus. Sa tatlo na iyon hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan at hinayaan ni Icarus na mapunta sa akin ang pocket watch na iniwan niya. Malabo na rin na malaman ko ng diretso mula sa kanya ang dahilan kasi hindi naman niya ako maririnig. Pero simula ngayon, aalamin ko na kung ano ang gustong ipakita sa akin ni Icarus bilang pasasalamat sa tulong niya sa akin.

Nang makaalis ako sa madilim na silid ng icarus of time, umaga na rito sa panahon ko. Bumangon ako agad para silipin ang pinto sa kuwarto ng mga ka-team ko. Mayroong ilaw ang indicator sa silid nilang lahat.

Mukhang nandito na silang lahat pati si Akkey.

Ilang minuto ko pinagkatitigan ang pangalan ni Akkey sa pinto ng kanyang silid bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na kumatok.

"Akkey?"

"Ahm— puwede ba akong pumasok? Gusto kitang makausap."

Hinintay ko ang sagot ni Akkey pero— wala akong narinig.

"Please, kausapin mo na ako."

Naghintay ako at paulit-ulit na kumatok sa pinto pero hindi talaga siya sumasagot. Sa buong team Cornea si Akkey ang una kong nakilala, nakausap at pinagkatiwalaan. Kahit na minsan tsismoso siya at mahilig mang-asar, nakakalungkot pa rin 'pag hindi niya ako pinapansin. Hindi ako sanay na wala siyang comment sa mga pinagsasasabi ko. Wala siyang reaksyon sa mga ginagawa ko. Hindi na nga niya ako matingnan ng diretso ngayon na para bang naiirita siyang makita ako.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now