CHAPTER 42

1.2K 80 14
                                    

READ : Hello! Napansin niyo na siguro na matagal ang update ko. Nahihirapan akong isingit ang pagsusulat kaya sobrang tagal ng update. Hindi rin kasi ako sanay magsulat kapag maingay. Hindi na rin ako puwede magpuyat masyado kaya hindi ko rin masingit sa madaling araw ang pagsusulat. Ganyan na siguro iyan sa mga susunod na araw. Sorry. Enjoy reading and God bless us all.

Wala akong naramdaman na pagkailang sa ginawang pagyakap ni Akkey sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wala akong naramdaman na pagkailang sa ginawang pagyakap ni Akkey sa akin. Hindi rin pumasok sa isip ko na itulak siya palayo. Hiya lang ang nararamdaman ko. Sino ba naman ang hindi kung mayroon kaming dalawang audience dito.

"Isipin niyo lang na wala kami rito," ani Mavrei. Mayroong halong pang-aasar ang tono ng pananalita nito.

Pinilit kong kumawala sa yakap ni Akkey saka ako naupo at hinampas ko ito ng throw pillow sa mukha.

"Hindi ako for sale!"

Madaling naagaw ni Akkey ang throw pillow sa akin saka ito bumangon. "Bakit sinabi ko ba na bibilin kita?"

"Ah basta. Walang magiging sa iyo."

"Mayroon. Ikaw."

"Gwapo mo ha," ani Rima.

"Gwapo naman talaga iyan," ani Mavrei. To the rescue ang best friend.

Pero totoo naman ang sinabi ni Mavrei. Gwapo si Akkey at malakas ang dating. Mapang-asar nga lang.

Mabilis na tumaas ang isang kilay ni Rima. Katarayan to the highest level ang ibinida niya sa amin. "Sinabi ko ba na panget siya? Sabi ko nga gwapo 'di ba? Binge lang?"

Sinenyas ni Mavrei na parang si-ni-zipper ang kanyang bibig.

Iyan ang halatang inlove. Kahit tinatarayan good boy pa rin. Bilib din ako rito kay Mavrei.  Hindi sumusuko.

"Bagay kayong dalawa," I said.

"Ew!" ani Rima.

"Bagay din naman tayo," sabat ni Akkey na parang hindi pa nakaka-move on.

"Sila lang. Hindi tayo kasali."

"Kasali tayo."

Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang bigla akong makarinig ng dalawang magkasunod na beep. Nakita kong nakasulat sa maliit na screen ang pangalan ni Rylee. Ibig sabihin nasa labas siya at gusto niyang pumasok. Susko, abot langit ang pagdadasal ko na sana hindi niya narinig ang sinabi ni Akkey sa akin.

"Huwag kayo maingay," bulong ni Mavrei.

Hindi talaga ako mag-iingay.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now