CHAPTER 47

874 53 8
                                    

CHAPTER 47 | SAVE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 47 | SAVE

Malawak na ngiti ng isang kaibigan na proud. Iyan ang mayroon ako dahil sa ginawa ni Akkey. Sobrang gaan sa pakiramdam na malamang mayroong ginawa si Akkey na ganito kabuti noon. Kahit na mapahamak siya, madamay sa gulo, mas pinili niyang tumulong.

Ang sarap dalin ng buong team Falcon dito para iparangya sa kanila na ang lalaking pilit nilang pinagtutulungan ay ang dahilan kung bakit mayroon silang pinuno sa Retina ngayon.

Juice ko. Malait nila si Akkey. 'Tapos ito pala ang totoo.

Napabuntong-hininga ako nang makalayo sina Akkey at Rylee nang ligtas.

Kahit na hindi maganda ang unang pagkikita nilang dalawa, dumating pa rin sila sa punto na, sila pa rin ang magtutulungan bandang huli.

Nawala ang ngiti ko nang maalala ko si Icarus.

Nakita ko sa imperium of time noon na mayroon siyang kasamang babae at maraming humahabol sa kanya. Kung ang panahon na iyon ang panahon kung saan babawian siya ng buhay. Naisip ko, kung mayroon siyang kaibigan na tulad ni Akkey. Mapipilitan ba siyang humarap ng sugatan sa mga Alastair para ibigay ang lahat ng kapangyarihan niya bago siya mamatay?

Kung mayroon siyang kaibigan na tulad ni Akkey...

Buhay pa kaya ngayon si Icarus?

Kinusot ko ang naluluha kong mga mata.

"Ano ba ito. Nasa nakaraan ako ni Rylee pero iba ang nasa isip ko."

Napatingin ako sa aking tabi nang mayroong lumabas na asul na pinto. Agad ko iyong binuksan at bumungad sa akin mula sa loob nito ang nakaupong si Rylee.

"Tama na. Umuwi ka na," he said.

Nakasandal si Rylee sa pader habang nakatingin sa kawalan. Pula ang mga mata niyang lumuluha at walang kabuhay-buhay na nakabagsak ang mga kamay niya sa kama.

Sa itsura pa lang ni Rylee alam ko na nasa loob siya ng imperium of time.

"Gusto kong makita kung ano ang nakikita ni Rylee."

Isang nakabukas na pinto ang lumabas sa aking tabi. Mula roon ay naririnig ko ang malalakas na sigawan. Malakas na hampas ng isang matalim na sandata at mainit na hampas ng hangin.

"Juice ko. Parang ayokong pumasok sa loob."

Nagtaasan ang balahibo ko sa mga sigaw na ramdam kong puno ng takot at paghihirap. Sa mga boses na narinig ko, alam ko na isa iyong digmaan.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now