CHAPTER 66

127 11 0
                                    

CHAPTER 66

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 66

Manhid na ata ang katawan ko, wala akong maramdaman.

Simula nang mapalapit ako sa team Cornea, kahit isang beses, hindi sumagi sa isip ko na darating ang araw na ito sa buhay ko. Kinaya akong saksakin ni Keegan nang hindi man lamang nagdalawang isip.

Emotional damage ang binigay mo sa akin, hayop ka.

Hinugot ni Keegan ang dagger na isinaksak niya sa tiyan ko. "Ano, Seira? Masakit 'di ba? Kulang pa iyan kumpara sa mga ginawa mo kay Rylee at sa lahat ng member ng Retina Organization."

Kulang pa pala ang ginawa niya sa akin. Halos burahin niya ang maganda kong mukha. Balak din ata niya akong tadtarin ng saksak hanggang sa mahirapan nang maghilom ang mga sugat ko at bawian ako ng buhay. Kaya niyang gawin sa akin iyon. Wow. Medyo masakit sa damdamin. Parang gusto kong alamin kung hanggang saan niya kayang sikmurain na saktan ako.

"Ano? Sa kabilang side naman?" I asked.

Hindi ako nagbibiro, kahit pa gawin niya ang sinabi ko wala akong pakialam. Isa pa, dugo ang kailangan ko para sa kakayahan ko. Mas maraming dugo, mas madali para sa akin na makalaban. Magkaroon lang talaga ako ng pagkakataon, susugod ako agad.

Ang dugo ko na kumapit sa dagger ni Keegan ay ipinunas niya sa damit ko. "Malakas ang loob mo," he said.

Nang makita ko ang panlilisik ng mga mata ni Keegan, alam ko na agad sa sarili ko na kaya niyang gawin ang mga nasa isip ko. Sinaksak niya ako ulit sa kabilang side naman ng tiyan ko na para bang sinasampal niya sa damdamin ko na wala siyang pakialam sa buhay ko.

Ha-ha. I see—kaya niya akong saktan hangga't gusto niya.

"Ano? Kulang pa rin ba?" I asked.

Hinugot ni Keegan ang dagger sa kabilang side ng tiyan ko saka niya binitawan ang damit ko—dahilan para humampas ang ulo ko sa sahig. Buti na lang hindi nakikita ni Akkey ang ginagawa mo. Kung hindi, kanina pa nasa simento ang nguso mo.

Muling ipinunas ni Keegan ang dagger sa damit ko para tanggalin ang dugo na kumapit doon. "Hindi ko maintindihan kung nasaan ang utak mo."

"Iniinsulto mo ba ako?" I asked.

"Hindi. Tinatanong kita."

I smirked. "Bakit? Nasa ibang posisyon ba ang utak mo kaya mo ako tinatanong?"

Sinipa ako ni Keegan sa braso. Pero hindi naman sobrang lakas, sapat na para hindi ako gumalaw sa puwesto ko.

Mahina.

"Sumagot ka! Tinatanong kita dahil hindi kita maintindihan!" Keegan shouted.

"Mas lalong hindi kita maintindihan!"

Mahigpit na hinawakan ni Keegan ang kwelyo ng aking damit. "Dahil makitid ang utak mo! Si Rylee, marami na siyang ginawa para lang sa 'yo. Binihisan ka, pinakain ka, binigyan ka ng proteksyon, tahanan at maraming kaibigan. Pero ano ang ginagawa mo? Nilalabanan mo siya at sinaktan mo ang lahat ng bampira na nandito para lang iligtas si Akkey? Bakit? Ano ba ang ginawa ni Akkey para sa 'yo na hindi nagawa ni Rylee? Para pahalagahan mo siya ng ganyan. Sige nga! Sabihi—"

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now