CHAPTER 1

4.9K 189 13
                                    

CHAPTER 1 | BARCODE

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

CHAPTER 1 | BARCODE

Parang ang sarap nu'n ah.

Bigay na bigay ang emosyon ko habang nakatingin sa tinapay na kinakain ng mga batang nasa tapat ko. Hindi ko alam kung tinatakam nila ako o sadyang wala na silang oras pumasok sa loob ng bahay nila at doon na lang kumain. Kaya naman heto ako, nakatingin sa pagkain at lumalasap na lang ng hangin.

"Ang sarap nito! Pabili pa tayo!"

Sige, isigaw mo pa!

Ang sarap nilang agawan ng pagkain, sabay takbo. Pero hindi ko magawa dahil malaki ang katawan ng Tatay nila. Isang kamay lang ako nu'n.

Kung may nahanap lang ako na mag-uutos sa akin na gumawa ng kahit ano para sa dalawang xenon, mayroon sana akong makakain ngayon kahit maliit na tinapay lang. Mula sa alikabok na dala ng hangin, imahinasyon na lang ngayon ang umagahan ko.

"Mga anak! Uminom muna kayo."

Ito pa isa. Umiwas na ako ng tingin sa mga batang kumakain nang dumating ang Nanay nilang may dalang inumin. Nakita ko pang nagpapawis sa lamig iyong baso.

Grabe sila sa akin.

Tumayo na lang ako at nagpagpag ng damit. Mapadpad sana sa kanila ang alikabok ng damit ko at malagyan ng bagong lasa ang kinakain nila. Ano ba akala nila sa akin? Hangin? Kanina pa ako rito hindi man lang ako nakuhang alukin?!

Makaalis nga muna. Pag nanatili pa ako rito nang ilang oras, sa inggit na ako mamamatay hindi sa gutom!

Hinayaan ko na dalin ako kung saan ng mga paa ko. Hanggang sa mapadpad ako sa lugar na mausok at may kakaibang amoy, ang Baruso. Nag-iisang lugar ito sa bayan ng Asareth kung saan nagkalat ang mga taong ang ikinabubuhay ay pagtutunaw ng bakal. Sila iyong mga may pera at gahaman.

"Hoy! Ano ang tinitingin mo? Umalis ka rito! Alis!" sita sa akin ng isa sa mga nagbabantay sa tunawan ng bakal.

"Paano ko mahahanap ang pera ko kung hindi ako titingin sa paligid? Sige nga."

"Wala ka ngang matinong damit pagkatapos naghahanap ka ng pera mo?"

"Sira ka pala e. Kaya nga may pera ako dahil hindi ako nabili ng damit!"

"Umalis ka na nga rito!"

Akala siguro ng nagbabantay na iyon ay hindi ko siya papatulan. Talo naman siya sa pagsisinungaling ko. Buwisit na iyon. Ano naman ang akala niya, itatakbo ko ang bakal nila? Tinapay nga hindi ko magawang itakbo, bakal pa? Inirapan ko iyong sumita sa akin at nagpatuloy ako sa paglalakad.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt