CHAPTER 37

1K 65 7
                                    

CHAPTER 37 | LETTER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 37 | LETTER

Hinahabol ko ang aking paghinga nang magising ako sa loob ng silid ni Rylee. Ramdam ko ang kirot sa aking hita nang gumalaw ako para tumayo. Hindi pa naghihilom ang sugat ko.

Tumingin ako sa buong paligid. Wala akong kasama.

Nasaan sila?

"Sabihan mo ako agad kapag may balita na mula sa mga sundalo."

Muli akong tumingin sa paligid nang makarinig ako ng tinig ng isang lalake. Wala naman akong ibang kasama rito.

Who is it? Hindi ko siya mabosesan.

"Gagawin ko ang lahat para lang makausap ko sila, mahal na presidente."

Presidente?

Kaninong boses iyon? Sigurado ako na hindi ko iyon naririnig nang sa isip ko lang. Pakiramdam ko nasa tabi ko lang ang mga nagsalitang iyon. Hindi kaya— sa icarus of time?

Pumikit ako at pumunta sa icarus of time. Bumungad sa akin ang isang nakabukas na pinto. Ano na naman kaya ang gustong ipakita sa akin ng icarus of time? Hindi ko maaninag kung ano ang nasa loob nito dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa loob.

"Mr. President."

Narinig ko ang tinig ng isa pang lalake mula sa nakabukas na pinto.

Sinong presidente iyon?

"Yes?"

"Mayroong dumating na liham para sa iyo."

Naglakad ako palapit sa nakabukas na pinto.

"Galing kanino?"

Kinuha ko ang pocket watch na nakasabit dito.

"Galing kay Icarus Oselver."

Icarus?

Agad akong pumasok sa loob ng pinto dala ang pocket watch. Sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag. At ang una kong nakita pagkatapos ay ang pangalang, President Edison Ladsen, na nasa ibabaw ng lamesa.

Edison Ladsen. Kung hindi ako nagkakamali namatay siya sa Redron noong magkaroon ng labanan sa pagitan ng mga tao at bampira. Ang lugar kung saan siya namatay ay tinatawag na Underground City ngayon. Nasa ilalim ito ng Retina Organization.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now