CHAPTER 32

1.3K 74 28
                                    

Hello! Ito na iyong dapat kasama ng chapter thirty-one na hiniwalay ko kasi sobrang hahaba na. Wala pang pitong araw naisulat ko na. Sipag ko 'di ba? Echos lang. So alam niyo na ha. Baka isang linggo na ulit ang next na update ko. Haha! Binabasa ko pa kasi iyong Fhalia I and II para magawan ko ulit ng guide. Bakit? Para ma-link ko sa Fhalia III. Simula sa mga character, spell, monsters, spirit, map etc. Lahat. Kasi naman kasi iyong lumang guide ko naglaho kasama ng apple ID ko. Ganyan karami ang need ko isabay sa update nitong Retina at COH. Kaya mabagal ako sa update. Sorna. At salamat nga pala sa mga comment niyo. Masaya ako makitang hinihimay niyo ang story at nag-re-react na kayo sa mga pangyayari. Sarap magbasa. Lab you all kahit 'di niyo ako lab. Bala kayo diyan. Haha.

CHAPTER 32 | HUG

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 32 | HUG

Iminulat ko agad ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Ngunit kadiliman at nakabukas na gintong pinto lamang ang bumungad sa akin. Icarus of time, nagpapahinga ako e. Pagod ako. Babawasan mo pa energy ko. Mula sa nakabukas na gintong pinto na iyon, malakas kong naririnig ang tunog ng isang kampana. Malalakas na hiyawan na mayroong kasamang palakpakan ang sunod kong narinig. Doon pa lamang parang alam ko na kung anong lugar ang nasa likod ng pintong iyon.

Mula sa nakabukas na gintong pinto, narinig ko ang sarili kong tinig.

"Mahal na mahal din kita, Rylee."

Mayroon na akong hula kung ano ang maaari kong makita sa loob ng pintong iyon, pero pumasok pa rin ako sa loob para ako na mismo ang makakita. Para magkaalaman na. Sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag na tumagal ng ilang segundo. Nang luminaw na ang tingin ko sa buong paligid, nasigurado ko agad na tama ang aking naging hinala.

Isang malaking simbahan na pinalilibutan ng kulay puti at asul na mga bulaklak. Sa harapan ng altar, nakita ko ang aking sarili na nakasuot ng isang magarang damit na pangkasal katabi ang aming pinuno na si Rylee.

Ikaw nga pala talaga—

Napabuntong-hininga ako at tumingin na lamang sa paligid. Nakita ko agad ang nakangiti na si Larena. Isang malaking wow. Expected ko isa siya sa mga magpoprotesta. Kasama rin ni Larena ang buong team Falcon, Phoenix, Blue Whales at Hundreds. Samantalang si Keegan lamang ang nakita ko para sa team Cornea. Nakita ko rin ang mga leader ng Retina Organization na sina professor Skaia, professor Vandor, Heleina at Van. Kumpleto ang barkadahan nila.

Ito na siguro ang nakita ni Shenna noon, na nakita rin ni Rylee noon— na nakita ko naman ngayon. Ikakasal ako sa pinuno ng Retina Organization na si Rylee Vanwing Alastair. Sinabi rin sa akin na magkakaroon ako ng anak kay Rylee. Parang iyon ang ayoko nang makita rito sa icarus of time. Hindi ko keri. Pero sa nakikita kong ngiti ng sarili ko habang nakatayo sa tabi ni Rylee, masasabi ko na ibang-iba iyon sa ngiti na alam kong kaya kong gawin. Pakiramdam ko tuloy malaya na ako sa panahong ipinakikita ng icarus of time sa akin.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now