CHAPTER 62

1.2K 64 40
                                    

CHAPTER 62BALL GRENADE

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

CHAPTER 62
BALL GRENADE

Rimalyn Vanwing has a plan—ang gusto pa niya makinig ako sa plano na iyon. Noong una naisip ko, tingin mo paniniwalaan kita? Sa akin nga hindi siya nagtiwala. Hindi man lang niya naisip na sabihin sa akin ang totoo. Ako pa ba ang magbigay nu'n sa kanya? Pero kinain ko rin ang naisip ko nang bigyan niya ako ng sapat dahilan para maniwala ako sa kanya at pakinggan ko siya.

Her reason, it made me change my mind instantly.

Lahat ng detalye tungkol sa plano niya, pinakinggan ko iyon lahat at wala akong naging reklamo dahil malinis ang plano niya. Mayroon pa siyang mga alternative plan kung hindi umayon sa gusto niya ang mangyari. Ang hindi ko lang nagustuhan ay ang sinabi niya na, don't look back. Run straight and forget about anything behind you.

Kasama ko si Rima sa plano namin kapag sumugod kami sa Retina Organization at kumbinsihin silang lahat sa huling pagkakataon. Parang sinasabi ni Rima sa akin na pabayaan ko siya. I tried arguing with her pero hindi ako nanalo, kaya nagsimula kaming gawin ang plano niya nang mayroon akong sama ng loob.

I sighed heavily when I heard Xenon's growling voice. He's in pain para lang maibalik ang sarili niya sa pagiging tao. Bakit? Dahil ayon sa kasunduan niya kay Khil Criner, leader ng bansa kung saan naninirahan ang mga demi-human, pupunta siya roon bilang tao kasama ang ilan sa mga bampira na kailangang umalis ng Eves bago tumama rito ang mga destructive weapon galing sa ibang bansa.

Patunay iyon ni Xenon kay Khil Criner, na kaya niyang gawing tao ang mga bampira at walang dapat ikatakot ang mga demi-human sa panandilaang pagtatago ng mga bampira sa kanilang bansa.

Si Xenon, Eena at Julian ang pupunta sa bansa ng mga demi-humans para magtago. Habang si Akeena naman ang maghihintay sa pantalan para sa mga bampirang makakalaban ko at papayag maging tao. Si Akeena ang magbibigay ng serum sa mga bampira bago sila tumawid ng dagat at salubungin nina Xenon, Eena at Julian papunta sa capital city ng mga demi-humans.

Ang plano na iyon ni Rima ay para masagip ang buhay ng kahit na sinong bampira na handang magbagong buhay. Kung sakaling hindi ako magtagumpay sa kailangan kong gawin.

"Puwede ba kitang tabihan?" Akeena asked. Hindi ko naramdaman ang pagdating niya o kahit marinig man lang yabag niya bago siya makalapit sa akin.

"Kung ayos lang sa'yo na maupo sa lapag, bakit hindi."

Naupo si Akeena sa tabi ko. Hindi siya tumingin sa akin, tumitig agad ang mga mata niya sa pinto ng laboratoryo na nasa aming harapan.

"Gusto mong malaman kung bakit pinatay ni Icarus ang buong angkan ng Oselver?" Akeena asked. Sa tono ng pananalita niya parang balak na niya iyon sabihin sa akin kahit humindi pa ako.

RETINA : THE POWER OF ICARUSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora