CHAPTER 3

2.9K 140 1
                                    

A/N: Kung ikaw ay bata pa at wala pa sa wastong edad. Pakiusap, huwag mo na itong basahin dahil naglalaman ito ng hindi kagandahan na eksena. Naglalaman ito ng pananakit na hindi dapat tularan. Isipin mo na lang ang word na, "pinahirapan" sabay lipad sa susunod na chapter. Oha, 'di nasa four ka na agad.

 Oha, 'di nasa four ka na agad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 3 | PAIN

Masakit. Iyan ang ilang ulit kong sinabi sa sarili ko para iparating sa makitid kong utak na, laban lang, kasi wala pa ito kumpara sa iwan ka ng sarili mong magulang. Dahil iyon habang buhay ko nang dala-dala. Pero itong sakit na ito. Itong kuryente na ito na akala mo sa kable lang kumapit. Mawawala rin ito agad.

Laban, Seira.

Humawak ako ng mahigpit sa gilid ng hinihigan ko na sa pakiramdam ko ay gawa sa bakal. Pinilit kong pigilan ang kusang paggalaw ng aking katawan. Kahit na dumidiin na sa bakal ang kamay ko na alam kong mag-iiwan ng marka, hindi ko na iyon pinansin. Pero bigo ako.

Sa galit ko, gusto kong sigawan si Xenon at sabihin na, hayop ka! Sasaktan kita hanggang sa ako ang mapagod, hindi ikaw! Kung maaabot ko nga lang siya, idinamay ko na siya sa sakit na nararamdaman ko. Pero hindi na ako nakapagsalita, nang magkuyom ng kusa ang ngipin ko dahil sa pagtitiis at sa matinding sakit na naramdaman ko mula sa kuryente na dumaloy sa buo kong katawan.

"Uulit ka pa ba, Seira?"

Sunod-sunod ang paghinga ko nang mawala ang malakas na kuryente na dumaloy sa aking katawan. Pero pakiramdam ko, may naiwan na makapal na sugat sa loob ng katawan ko. May kaunting sakit din sa dulo ng aking mga daliri. At ang pinakamatindi, para akong sinusuntok nang paulit ulit dahil sa kusang paggalaw ng iba't ibang parte ng katawan ko. Na kahit pigilin ko, hindi nahinto.

Hinanap agad ng tingin ko ang mukha ni Xenon nang maramdaman ko na medyo maayos na ang paghinga ko. Tiningnan ko siya ng masama. Sapat na para maisip niyang isinusumpa ko siya.

"Hayop ka—"

"Sasaktan mo ako hanggang sa mapagod ka, at hindi ako?" pagtapos ni Xenon sa dapat na sasabihin ko.

Napaisip ako sa sinabi ni Xenon. Iyong sinabi niya. Sinabi ko iyon sa isip ko kanina. Sa isip ko lang.

Ibig sabihin, nababasa niya ang iniisip ko?

Nang ibaling ko kay Xenon ang tingin ko, nagulat ako dahil masyadong malapit ang mukha niya sa akin. At kinilabutan ako nang haplusin niya ang ulo ko. Dahan-dahan lang iyon pero ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa ulo ko. Parang nag-slide na bakal sa sobrang bigat.

Nanlisik ang mga mata ko nang higlatin niya ang buhok ko.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, Seira."

Tumayo ng tuwid si Xenon palayo sa akin. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang itinataas ni Xenon ang remote na hawak niya kanina. Nakaporma siyang may pipindutin. At parang alam ko kung ano iyon.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now