Chapter 70

188 10 1
                                    

Chapter 70

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 70

Naalala ko bigla ang nakita ko sa imperium of time nang inumin ko ang dugo ni Akkey noon.

"Akkey, kung type mo ang taong iyan to the point na mapapangiti ka na. Bakit hindi mo siya gawing bampira tulad mo?"

"May gusto naman talaga siyang iba hindi ba?" I asked.

Rima looked dumbfounded. "Huh? Sino?"

"Iyong babaing tinitingnan ni Akkey nang nakangiti. May kasama iyong lalake na parang boyfriend ata nung babae. Sabi ni Mavrei bakit hindi na lang niya gawing bampira iyong babae kung gustong gusto niya."

Sandaling natahimik si Rima na para bang malalim ang iniisip, saka siya tumingin sa akin. "Parang alam ko kung sino ang tinutukoy mo. Si Zara. Naku, wala siyang gusto doon. Customer nila iyon sa restaurant before. Close sila ni Akkey dahil madalas niyang makausap si Zara. Nirereto kasi ni Zara ang anak niya kay Akkey. Ang problema, wala namang asawa si Zara that time kaya imposible siyang magkaroon ng anak. Masyado siyang advance mag-alok kaya natatawa lagi si Akkey sa kanya."

"Kaya ba siya nakangiti nung nakita niyang may asawa na si Zara... Balak niyang pakasalan iyong anak ni Zara?"

Rima smirked. "Interisado si Seira." Nang-aasar sa sabi ni Rima.

"Nagtatanong lang ako."

Umiwas ng tingin sa akin sa Rima. Medyo malungkot ang ngiti niya kumpara kanina na gusto niya lang talagang mang-asar. "Wala siyang ibang nagugustuhan kundi ikaw. Actually, gagawin niya ang lahat kahit mahirap, kahit masakit, para sa 'yo. Ganoon ka niya kamahal."

Hindi ko naiwasang maalala ang ilan sa mga sinabi ni Akkey sa akin noon.

"Alam mo ba na gusto ko ang ugaling ganyan? Baka ma-type-pan kita."

I smiled as I remember how he looked like back then. Mukhang siyang beterano sa mga babae.

"Hindi ka magsisisi. kasi nakilala mo ako."

I nodded. Because that's true.

"Sus, promblema ba iyon, 'di babaguhin ko kung sino ang nakatadhana para sa 'yo. Hanggang sa ako na lang ang nakikita mo."

"Sa akin ka na lang."

Bakit gano'n? Parang nasasaktan ako. Bakit?

"Can I take your heart instead?"

What did I say to you back then?

"I will save you. Even if it kills me, Seira."

Kung sasabihin niya ang mga salitang iyon sa ibang babae—

"Hindi ko alam. Pero alam mo kasi may gusto akong iba." I answred.

Mabilis na napaling ang tingin ni Rima sa akin. "Sino?"

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon