CHAPTER 22

1.3K 81 3
                                    

CHAPTER 22 | VANDOR

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 22 | VANDOR

Pamilyar ang lugar nito sa akin. Ganito rin ang nakita ko noong dalin ako sa ibang icarus of time. Walang pinto sa kahit na saan. Mukha lang itong madilim at malawak na silid. Walang duda, nasa icarus of time ako ng ibang pureblood. Dahil hawak ko pa itong pocket watch. Ang alam ko sa icarus of time lamang naman ito makikita. Pero paano ako napunta sa lugar na ito ulit? Mayroon ba akong nagawa? Parang wala naman. Nakatayo lang naman ako kanina at tintingnan ko itong pocket watch. At sinabi ko lang rin naman na—

Sandali. . . Hindi kaya dahil sa sinabi ko?

Wala naman sigurong mawawala sa akin kung susubukan ko iyon ulit na sabihin. Pero bago iyon, kailangan ko munang makabalik sa sarili kong icarus of time. Sandali. Ano nga ba ang ginawa ko noon para makabalik ako sa sarili kong icarus of time? Sa natatandaan ko— mayroon lang din naman akong sinabi. Iyon iyong, ang hina naman ng utak mo. Mag-isip ka naman, Seira.

Kung iisipin kong mabuti ang weird naman kung ang paraan para makabalik ako sa icarus of time ko ay ang sabihin ang mga salitang, ang hina naman ng utak mo. Parang hindi naman ata makatarungan iyon. At hindi rin naman siguro iyong mga salitang, mag-isip ka naman. Sigurado na iyong pangalan ko lang ang kailangan kong sabihin. Tutal, icarus of time ko ang babalikan ko. Tama. Susubukan ko iyon.

Huminga ako ng malalim para isigaw ang aking pangalan.

"Seira!"

Napapikit ang kaliwa kong mata nang maramdaman ko ang malakas na hampas ng hangin sa aking kaliwang pisngi. Ilang segundo lang ang dumaan, marami na agad akong nakitang pinto at pocket watch sa paligid. Nakabalik ako. Tama ang hula ko.

Ang kailangan ko na lang ngayong subukan ay kung paano ako makakabalik doon sa icarus of time nu'ng pureblood. Let's see. Ang sinabi ko lang naman kanina ay, imperium of time lang ang nalaman ko sa pinuntahan kong iyon. Wala akong napulot na mahalagang impormasyon. Naubos ang oras ko sa wala dahil sa bwisit na si Icarus Oselver. Kung iisipin kong mabuti, imperium of time lang ang naiba sa sinabi ko. Susubukan ko iyon.

Muli akong huminga ng malalim upang sumigaw ng, "imperium of time!" may nalalaman pa akong kagat labi para hintayin ang paghampas ng hangin pero wala naman palang mangyayari. Pinaasa ako. Pinalipas ko pa nga ang ilang minuto kasi baka na-traffic lang. Kaso wala talagang nangyari.

"Alin pa sa sinabi ko ang puwede? Icarus Oselver?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mayroong napakaraming pinto ang lumitaw sa paligid ko. Aba at kinuyog ako ng mga pinto na may kadena. Mali nga pala na sabihin ko ang pangalan ni Icarus dahil ipapakita lang sa akin ng icarus of time ang mga pinto na naglalaman ng alaala ni Icarus Oselver.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now