CHAPTER 26

1.2K 76 8
                                    

A/N: Ang dahilan kung bakit ngayon lang ako nakapag-update ay dahil nawalan kami ng internet. Yes, na naman. Mayroon daw naputol na kable at malaking area ang naapektuhan. At dahil naayos na nila, hindi na rin ako weak, ha-ha, ito na ang update ko. Enjoy reading and God bless.

 Enjoy reading and God bless

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 26 | FAMILY

Bakit ayaw mo? Ano ang dahilan? Ilang ulit kong tinanong si Akkey sa isip ko kung bakit ayaw niyang pinoprotekhan siya, pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Basta't masama lang ang tingin niya sa mga member ng team Falcon.

"Disqualified na ang team Cornea para sa araw na ito dahil ginamit ni Akkey ang kanyang kapangyarihan. Ayon sa patakaran ng laro na ito ay mabibigyan si Akkey ng parusa. Binibigyan ko naman ang ibang team ng labing limang minuto para muling simulan ang laro," dinig kong sabi ni Rylee na maririnig mula sa speaker. Narito nga siya para manood. Kung saan man dito. Hindi ko alam.

Violation pa lamang ang naririnig ko kanina mula kay Van, alam ko nang si Akkey ang dahilan kung bakit parang nakalutang ngayon sa hangin sina professor Skaia, Mavrei, Keegan at Rima. Pati na rin ang team Falcon maliban sa leader ng mga ito na si Larena na hindi pa nagpapakita.

"Akkey, ayos na. Ibaba mo na kami," nag-aalalang sabi ni Mavrei.

Agad namang ibinaba ni Akkey sina Rima, Mavrei, Keegan at professor Skaia nang dahan-dahan.

"Ibaba mo rin kami!" reklamo ng isang myembro ng team Falcon.

Pinanliitan ng mata ni Akkey iyong lalake na sumigaw. Pagkatapos, ibinaba niya ang mga myembro ng team Falcon ngunit inuhulog niya ang mga ito pabalibag sa simento. Sinubukan naman tumayo ng mga ito pero tila hirap na hirap silang kumilos.

"Hindi na talaga mawawala sa dugo mo ang pagiging rule breaker!" sabi ng lalake na naghagis ng maraming bato sa amin kanina. Pinipilit nitong kumilos pero hindi nito kayang iangat ng katawan nito sa lupa kahit halos maglabasan na ang ugat nito sa mukha. "Kahit ilang ulit ka nang dinala sa torture room o ikulong dahil sa mga ginagawa mong pagsuway hindi ka na magbabago dahil mana ka sa nanay mo na si Akeena!" Ilang segundo matapos nitong magsalita, biglang humampas ang mukha nito sa simento at hindi na muli pang nagsalita.

"Akkey John! Tigilan mo na ito. Hayaan mong makakilos ang team Falcon kung ayaw mong madagdagan ang parusa mo," sita ni professor Skaia bago niya nilapitan ang team Falcon.

"Mali—" natigilan si Akkey sa pagsasalita.

"Akkey John Oselver Alastair, leader ng team Cornea. Lumabas ka rito sa underground city at sumunod ka sa akin papunta sa torture room para sa parusa mo. Paalala, wala kahit na sino sa member ng team Cornea ang maaaring sumama sa kanya o pumunta man lang sa torture room. Kung hindi rin kayo susunod, dadagdagan ko ang itatagal na oras ng parusa sa leader niyo."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now