CHPATER 24

1.4K 73 3
                                    

CHAPTER 24 | LATE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 24 | LATE

Kinabahan ako ng sagad sa buto dahil sa sinabi ni professor Vandor sa amin. Hindi ko maiwasan isipin na baka kasing lala ng sinabi niyang impyerno iyong dinanas ko sa loob ng Razafrei. Iyong delubyo na tiniis ko ng ilang araw sa kamay ni Xenon. Huwag naman sana iyong maulit. Dahil kung ganoon nga ang mangyayari— magkamatayan na, magwawala ako rito sa Retina.

Napasulyap ako kay Akkey nang sikuhin niya ako sa tagiliran.

"Ayos ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo," tanong ni Akkey nang sa isip ko lamang naririnig.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Huwag kang mag-alala, Akkey. Ayos lang ako. Kahit hindi naman totoo. Ayoko maging pabigat sa kanila. Kailangan kong lumakas. Para hindi ako ganito na lagi na lang kinakabahan dahil alam kong wala pa akong laban.

Inawat ni Mavrei si professor Vandor nang makita niya itong palabas na.

"Professor!"

Nilingon ni professor Vandor si Mavrei. "Bakit? May kailangan ka?"

"Ahm— Puwede po ba namin malaman kung ano ang ipapagawa sa amin ni Skaia bukas?"

Ngumiti si professor Vandor saka napailing at napayuko. "Mavrei. Mavrei. Mavrei," sabi nito habang unti-unting binabalik kay Mavrei ang tingin nito. "Tinawag mo akong 'professor' pero sa pangalan mo lang tinatawag ang professor ninyo na si Skaia? Dahil ba mas matanda ka sa kanya?"

"Mali po ba?" painusenteng tanong ni Mavrei.

"Mali. Dahil isa si Skaia sa mga leader ng Retina tulad ko. Kahit bata pa siya sa pangingin ninyong lahat, mas malakas naman siya kumpara sa akin. Siya lang ang leader ng Retina na tumagal sa pakikipaglaban kay Rylee noong nag-te-training pa lamang kami."

Mukhang mataas ang tingin ni professor Vandor kay Skaia. Lalo lang akong kinabahan sa nalaman ko. Ibig sabihin si Skaia ang pangalawa sa pinakamalakas dito sa Retina. Mukhang kailangan ko siyang tawaging professor Skaia kahit hindi gaanong bagay sa kanya. Mukha kasi talaga siyang bata.

"Okay, professor Skaia na po ang itatawag ko sa kanya. Pero ano po ba ang ipa—"

"Hindi ko sasabihin sa iyo, Mavrei," tugon ni professor Vandor bago ito umalis.

Ilan sandaling natulala si Mavrei bago sumalampak sa lamesa. "Hindi niya sinagot ang tanong ko." Tumayo siya ng tuwid saka tumingin sa amin. "Okay, Team. Sino sa inyo ang ayaw makaranas ng impyerno bukas? Itaas ang kamay!"

Sino ba naman ang gusto makaranas ng impyerno? Lahat kami nagtaas ng kamay.

Tumango si Mavrei na para bang natuwa siya sa resulta. "Okay, Team! Mag-cu-cutting tayo bukas!"

Cutting! Wait. Cutting? Ano hahatiin?

Masama ang naging tingin ko kay Akkey nang humagalpak siya ng tawa.

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon