CHAPTER 41

1.1K 77 17
                                    

CHAPTER 41

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

CHAPTER 41

Tumaas ang kilay ko nang maagaw ng isang babae ang atensyon ni Icarus mula sa akin.

Pakiramdam ko may humamon ng gera sa akin.

Isa ang babaing iyon sa nahulugan ng durog na bato kanina na galing dito sa tower. Sa narinig ko kanina Lessi ang pangalan ng babaing iyon. At ang babaing iyon din ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Icarus. Sumigaw ba naman na parang nasaktan.

Best actress. Gusto kong abutan ng trophy si Lessi. Iyong mas malaki sa kanya para hindi niya kayanin.

Minsan hindi ko rin maintindihan itong si Icarus. Matapos niya akong pakiligin na hihintayin niya ako. Ang bilis niyang lumipad sa ibang babae. Nandito pa ako sa iba na siya nakatingin. Kaloka.

Pinanliitan ko ng mata si Lessi na nakalingkis sa braso ni Icarus habang naglalakad sila palayo.

"Arte mo! Lagpas naman ang lipstick mo!"

Nakita kong lumingon sa akin si Icarus bago ako dinampot ng imperium of time para palabasin sa nakaraan. Wala akong pakialam kung narinig niya ang sinabi ko. Naiinis ako sa kanya.

Alam ko na hindi naman ako dapat ganito mag-react. Kaso kung gugustuhin niya rin lang naman ako dapat iyong klase na ng pagmamahal na deserve ko. Hindi iyong sinabi mo ngang mahal mo ako, tumawid ka naman agad sa ibang ilog. Iyon ba ang klase ng pagmamahal na dapat natatanggap ko? Malaking no!

Pero sa kabilang banda naintindihan ko rin kung bakit tumingin siya sa iba. Sinabi ko rin kasi sa kanya na magpapakasal na ako. Alangan naman pagbawalan ko siyang magmahal ng iba kung wala naman akong kayang ibalik sa pagmamahal niya. Mabuti na rin siguro na mapalapit siya sa ibang babae.

Agh! Hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Naguguluhan na ata ako. Masaya rin naman ako kapag kasama ko si Icarus. Hindi ako naiinip sa kanya. Masarap siyang asarin at gambalain. Hindi siya nakakatakot kumpara sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Nakakaloka siya 'pag nakangiti. Napapangiti ako kapag seryoso ang mukha niya. Bagay sa kanya kahit nakasimangot siya. At tingin ko hindi rin siya... mahirap mahalin.

"Sana... nandito ka na lang. Malay mo ba baka sa iyo pa ako magkagusto."

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?"

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na mayroon akong narinig na boses ng babae. Sa unang dinig akala ko kinausap na ako ng imperium of time. Pero nang alalahanin kong mabuti ang aking narinig. Parang galing iyon sa paligid kung saan nakaupo ang katawan ko.

May paparating...

Ayoko madagdagan ang issue tungkol sa akin. Kailangan kong magtago.

RETINA : THE POWER OF ICARUSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora