CHAPTER 50

1K 69 22
                                    

RETINA | UNKNOWN VOICE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

RETINA | UNKNOWN VOICE

Tama ba ang narinig ko sa sinabi ni Icarus? Love me back? Hindi ako magaling sa english pero kung hindi ako nagkakamali, parang sinabi niya na rin sa akin na mahal niya ako at gusto niyang mahalin ko rin siya.

Lumayo ako kay Icarus saka ako lumabas ng bahay nila. Hindi ko siya kayang tingnan ng diretso. Isa pa ayoko pag-usapan ang tungkol dito.

Parang gusto ko na lang tuloy ibahin ang usapan at magkunwaring wala akong naintindihan. Kaso iyong sinseridad na naramdaman ko sa mga salita niya, para akong tinutulak na sabihin ang totoo kong nararamdaman.

Pero paano? Saan ako dapat magsimula? Kung alam ko naman na hindi ako hahayaan ng panahon.

Wala rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanyang, hindi ka naman mahirap mahalin. Alam ko kapag sinabi ko iyon sa kanya— hihintayin niya ako. Mauubos lang ang natitirang oras at panahon niya sa paghahanap at paghihintay sa tulad ko na hindi naman niya matatagpuan kahit kailan. Kaya nga parang mas gusto ko siyang itulak palayo. Tsaka alam ko naman na magmamahal din siya ng iba.

Tumakas ang luha sa mga mata ko nang maalala ko ang babaing nakita ko sa nakaraan na kasama ni Icarus, si Raya.

Alam ko na magmamahal ka rin ng iba, Icarus.

Napakagat ako sa ibaba kong labi. Buwisit, bakit ako naluluha? Ano naman ngayon kung magmamahal siya ng iba bukod sa akin?

"Nakita mo sa imperium of time?" Icarus asked.

Kalahati lang ang tapang ko nang lingunin ko si Icarus. Feeling ko ready siyang makipagtalo sa akin. Tipong hindi niya tatanggapin ang sagot ko. Mukha pa siyang confident habang nakasandal sa pintuan.

Hindi ko puwede sabihin sa kanya ang totoo dahil hindi naman niya ako maririnig. Tsaka palalabasin ako rito sa nakaraan kapag nalaman niya ang tungkol sa sarili niya.

Umiwas ako ng tingin kay Icarus saka ako naupo sa damuhan. "Alam ko na magmamahal kanng iba kasi may mahal akong iba. Siya lang ang mamahalin ko habang buhay, Icarus."

"Hmm. So I need to kill him first."

Mabilis akong napatayo para harapin si Icarus. "Huwag!"

Sobra ang kaba ko. Kasi alam ko na madali iyon gawin para sa kanya. Pero nang makita ko ang malungkot na ekspresyon ng mukha niya natahimik ako kahit balak ko sana na pagsabihan siya.

"I'm sorry. Alam ko hindi mo iyon gagawin."

"What if I did?"

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now