CHAPTER 12

1.6K 89 2
                                    

CHAPTER 12 | TEARS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 12 | TEARS

Hindi ako nagdalawang isip na magpaturo kay Akkey kung paano ko gagamitin ang icarus of time para alamin kung sino ang babaing narinig ko kanina. At tsaka mabuti na rin ito, malalaman ko kung sa paanong paraan ko pa magagamit ang icarus of time. Gusto ko rin paniwalaan ang iniisip kong nakatakda na marinig ko ang boses ng babaing iyon para makilala ko siya.

"Mayroon kang sampung minuto para gamitin ang icarus mo. Handa ka na ba, Seira?"

Huminga ako ng malalim saka pumikit. "Handa na."

Pinakiramdaman ko ng mabuti ang buong paligid tulad ng itinuro sa akin ni Akkey. Pinagana ko ang aking imahinasyon na tila ba naglalakbay ako sa isang madilim na kalye. Hindi ko inintindi ang ingay na aking naririnig. Basta inalala ko lang ang tinig ng babaing narinig ko kanina. Hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagbuhos ng ulan. Nang imulat ko ang mga mata ko, isang nakabukas na luma at basang pinto ang bumungad sa akin. At gumagalaw na parang nililipad ng hangin ang pocket watch na nakasabit sa gitna ng pintuan.

Ito na iyon. Ang icarus of time.

Kinuha ko ang pocket watch na nakasabit sa pintuan. Ayon kay Akkey ito ang magsisilbing susi ko para makalabas ako sa pinto na ito oras na pumasok ako sa loob. Kung mawawala ito sa akin habang nasa loob ako ng icarus of time, hindi na ako makakabalik. Kailangan ko itong pakaingatan.

Isinara ko ang pinto nang makapasok na ako sa loob. Tumingin ako sa langit— gabi rito at limang poste lamang ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Base sa mga nakikita kong kabahayan at porma ng kalye, sigurado ako na hindi ito ang lunsod ng Adelbor na nababalot na ng teknolohiya. Hindi rin ito sa Asareth. Sigurado ako. Pero saan? Saan ito sa parte ng bansang Eves? 'Di bale na. Tatandaan ko na lang ang itsura ng lugar na ito para matanong ko si Akkey mamaya.

Inilahad ko ang aking palad para saluhin ang malakas na buhos ng ulan. Ngunit nilalagpasan lamang nito ang aking palad. Hindi rin ako nababasa. Ibig sabihin ba nito ay wala ako mismo sa lugar na nakikita ko?

"Hanapin niyo! Bilis!"

Malakas na tinig ng isang lalake ang aking narinig mula sa 'di kalayuan.

Lalake? Hindi ba dapat ay babae ang makikita ko rito?

Imbis na magtago, naglakad ako palapit sa kung saan ko narinig ang tinig ng lalaking tila may hinahanap at mayroong mga kasama. Lumipas na ang pangyayaring nakikita ko ngayon sa icarus of time. Sigurado naman ako na imposbileng mayroong makakita sa akin. Dito, mas free pa ako sa free. At nang makarinig ako ng mahinang tubig na tila natapakan ng malakas, huminto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa buong paligid at natanaw ko ang isang lalake na mayroong suot na kapa. Ibinaba nito sa simento ang kalong nitong babae na sugatan at tila hirap sa paghinga.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now