CHAPTER 38

1K 67 10
                                    

Susko, inabot ako ng one twenty-one ng madaling araw sa pagsusulat. Hindi ko namalayan. Lusaw ang antok ko ngayong araw. Sana hindi ako mahilo mamaya. Lol. Enjoy reading guys and God bless.

 Enjoy reading guys and God bless

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 38 | GRAVE

"Interested?" tanong ni Icarus nang sa isip ko lamang naririnig.

Wala naman sigurong masama kung aminin ko na interisado akong malaman ang love life niya. Kasalanan talaga ito ng icarus of time, nagiging tsismosa na tuloy ako. Dahil din ito sa nalaman kong nagpadala si Icarus ng liham sa presidente ng bansang Eves na layuan si Levira. Kung hindi naman dahil doon hindi rin ako magtatanong.

"Ano naman kung interisado ako?"

Ang asul na mga mata ni Icarus na akala mo ay nakatingin sa ulap ay napako na sa mukha ko. Mayroong malawak na ngisi sa kanyang mapulang labi na para bang may nasabi akong nakakuha ng kanyang atensyon. Hindi ko alam kung bakit pero— parang gusto ko siyang sampalin ng isa dahil sa naging reaksyon niyang tila nakakaloko. Pakiramdam ko may naisip siyang ikaiinis ko.

"Wait. Let me think," aniya nang sa isip ko pa rin naririnig.

Pinanliitin ko siya ng mata. "Seryoso ka? Pag-iisipan mo pa kung gusto mo siya?"

Tumingin sa akin si Icarus. "Hindi puwede?"

Feeling ko mukha akong tanga. Ako lang ang nagsasalita nang natural. Hindi tulad niya na kinakausap ako lagi nang sa isip lang. Sayang maganda niyang boses kung lagi niyang itatago.

Nagpamewang ako at tinaasan ko siya ng isang kilay. Malakas ang loob ko na magtaray dahil hindi naman niya ako masasaktan kung sakaling mainis siya sa akin. "Alam mo kung mahal mo ang isang tao, I mean bampira, hindi mo na iyon pag-iisipan pa. Sasabihin mo agad na para bang proud ka pa."

Naghalukipkip si Icarus saka sumandal sa railings. "Oh? Ikaw ba may nagugustuhan ka na?"

Bakit napasali ako?

Natahimik ako sa sinabi ni Icarus. Hindi dahil sa wala akong maisagot sa kanya, kundi dahil mayroong isang bampira na pumasok sa isip ko.

Ugh! Hindi ako makapaniwala na naisip ko siya.

"Who?" he asked.

"Puwede, huwag mo ibalik sa akin ang tanong ko?"

Ngumisi muli si Icarus. "See? Hindi ka rin makasagot agad. Mahirap magsabi sa tulad mong biglang naglalaho at hindi mo alam kung kailan babalik."

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon