CHAPTER 14

1.5K 81 0
                                    

CHAPTER 14 | VOICE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 14 | VOICE

Gusto kong ngumiti at sabihin sa sarili na, see? Naaayon sa iyo ang magandang kapalaran, nang malaman ko mula kay Rylee na mayroon pa akong paraan para malabanan ang kakayahan ni Xenon. Pero nang marinig ko ang iba pang detalye tungkol kay Xenon Benforth, nanliit ako sa sarili ko. Naisip ko na lang na, napakahina ko. At nakakairitang aminin na wala akong laban kay Xenon.

Base sa mga nalalaman ko, napunta kay Xenon ang karamihan sa kinuhang dugo sa pinuno ng Retina na si Rylee — ang pinakamalakas na bampira sa Retina. Ngayon naman nalaman ko na ang ibang dugo ni Icarus ay nasa katawan ni Xenon. Si Icarus — ang bampirang kinatakutan ng lahat at umubos sa buong angkan ng Oselver. Dugo ng dalawang malakas na bampira ang nananalaytay sa ugat ni Xenon. Paano ko siyang matatalo tulad ng sinasabi ko sa sarili ko? Kung ang buong Retina nga, hindi siya mapabagsak. Ako pa ba?

"Malalim yata ang iniisip mo. Ayos ka lang ba?"

Ibinaling ko ang aking atensyon kay Rylee. Halata ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"Ayos lang ako."

"Hindi halata. Iniisip mo pa rin ba iyong nangyari sa iyo kanina?"

Pinilit ko na ngumiti. Ayokong ipahalata sa kanya na napanghihinaan ako ng loob dahil sa nalaman ko.

"Kung maipasa ko ang lahat ng training na ibibigay sa akin dito sa Retina. Magiging malakas ba ako?"

Bumuntong-hininga si Rylee saka hinawakan ang kamay ko. "Gusto ko na lumakas ka para depensahan ang sarili mo at makamit natin ang katahimikan. Pero ayokong sagarin mo ang sarili mo. Darating ka rin sa gusto mong marating. Hindi mo kailangan magmadali. Dahil walang mahinang bampira sa Retina."

"Ibig sabihin magiging malakas ako?"

"Oo naman."

"Mas malakas pa sa iyo?"

Napahagalpak ng tawa si Rylee na parang walang bukas. Bumitaw na lang siya bigla sa pagkakahawak sa kamay ko para ilipat sa tiyan niyang nananakit na ata sa kakatawa. Sobra pa kung makayuko. Kulang na lang gumulong siya sa sofa at hampas-hampasin ang simento. Pero huminto rin naman siya agad.

Tinablan ang loko.

Siguro napansin niyang nag-echo na ang tawa niyang malakas, na halos tumagos sa kaluluwa kong sawi at sabihin na, imposible iyang sinasabi mo, Seira.

"Sarap tumawa 'no? Sana huli mo na iyan."

"Ito naman oh. Galit naman agad." Hinawi niya ang buhok ko saka ikinawit sa tenga ko. "Mas malakas ka naman sa akin e." Pagkatapos ibinaba niya ang kaliwang parte ng kanyang kwelyo. "Tingnan mo. Pati puso ko napa-surrender mo na." Sabay taas ng dalawang kilay habang nakangiti.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now