CHAPTER 17

1.4K 73 2
                                    

CHAPTER 17 | RAZARO

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

CHAPTER 17 | RAZARO

Hindi sumagi sa isip ko na magkapatid sina Shenna at Rylee kahit ilang ulit ko nang nabanggit sa isip ko ang apelido nilang dalawa — kahit isang beses, hindi ko naisip na magkapareho iyon. Siguro dahil ang nasa isip ko ay mayroon silang relasyon noon. Kaya automatic na sa utak ko na maaaring magkakilala lang silang dalawa. Ang inisip ko lang din kasi ay ang sarili ko. Isinisi ko pa nga kay Shenna ang hirap na pinagdaanan ko dahil hinayaan niya akong magdusa.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ko naisip na maaaring masakit din iyon para sa kanila? Kahit hindi na lang bilang magkarelasyon sila. Kahit bilang magkapatid na lang. Sumagi man lang sana sa isip ko na isa sa kanila ang nagdadalamhati ngayon. At isa sa kanila ang nakaramdam ng takot na mamatay para lang sundin ang isang pangitain mula sa icarus of time.

Naiinis ako sa sarili ko.

Ipinaling ko kay Akkey ang aking tingin. Hindi ako nakapagsalita agad nang malaman kong nakatingin din siya sa akin. Siguro kanina pa. Hindi ko lang napansin.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang. Hinihintay ko na magsalita ka."

Bumuntong-hininga ako saka humarap sa pader na nasa aming harapan. "Masama ba ako? Hindi ko inisip ang mararamdaman nila. Kasi ang mahalaga lang sa akin ay ang sarili ko. Sinisi ko sila. Imbis na sisihin ko ang sarili ko dahil nagnakaw ako, nahuli at ipinagbili."

"Siguro? Hindi ko alam. Hindi ka naman masasaktan kung inisip ka rin nila. Lahat naman tayo nakakaranas ng hirap sa buhay, iba-iba nga lang. Pero malaman mo man ang dahilan o hindi kung bakit iyon nangyari sa iyo, ang mahalaga, wala kang pinagsisisihan. Dahil ang mga hirap na iyon ang huhubog sa iyo sa kung sino ka ngayon at kung ano ang magiging ikaw sa hinaharap," malumanay na sabi ni Akkey.

Napangiti ako. Ibang level na ito. Gusto ko siyang gawan ng rebulto rito bilang tanda na mayroon na naman siyang nasabi na matino at makabuluhan.

Muli akong tumingin kay Akkey na hanggang ngayon ay sa akin pa rin nakatingin. "Sa tingin mo ba magsisisi ako sa nangyari sa akin ngayon?"

Ngumiti ng mawalak si Akkey. Subukan mong mag-joke. Sasapakin kita.

"Hindi ka magsisisi. Kasi nakilala mo ako," sabay taas niya ng dalawang kilay.

Hinampas ko ang braso ni Akkey. Buong lakas para mas ramdam niya. Ayos na sana ang usapan namin. Dinagdagan pa niya ng kalokohan.

"Alam mo ikaw nakakainis kang kausap."

"Huwag ka mainis baka hahanap-hanapin mo ako."

"At bakit kita hahanap-hanapin?"

"Wala lang. Baka kasi magkagusto ka sa akin."

RETINA : THE POWER OF ICARUSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora