CHAPTER 8

1.8K 113 3
                                    

CHAPTER 8 | LOCKED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 8 | LOCKED

Marami akong narinig na masasakit na salita mula kay Larena. Tulad nang sinabi niyang sinira ko ang relasyon ni Shenna sa pinuno nilang si Rylee. Dapat daw hindi na lang ako ipinanganak. Para masaya pa silang lahat. Pero hindi ko iyon pinansin dahil hindi ko naman iyon ikamamatay. Malaya siyang sabihin ang opinion niya at malaya rin akong paniwalan ang gusto kong paniwalaan na wala akong sinira. Sila ang sumira sa relasyon nila.

"Gusto ata ni Larena na bumuo ng record dito sa Retina. Buong team na natin ang nakaaway niya simula nang sumali siya rito. Akalain mong pati itong si Seira na bagong sali sa atin nakaaway niya," sabi ni Mavrei habang naglalakad kami palabas sa room kung saan nagturo si Heleina ng History.

Ibang team ang pumigil sa pagdada ni Larena kanina. Hinila na lang siya palabas hanggang sa hindi ko na sila marinig. Masama rin ang tingin ng iba pang team na walang ginawa kundi manahimik. Sigurado ako na marami ang tumatakbo sa isip nila. Pero wala akong pakialam. Sa dami ng pinagdaanan ko ngayon pa ba ako magpaapi sa kanila? Kahit magsama-sama pa silang lahat hindi ko sila uurungan.

"Seira, huwag kang maniniwala sa sinabi ni Larena. Kasi hindi lahat ng sinasabi niya totoo," sabi ng tila nag-aalala na si Mavrei. Mukhang mabait ang isang ito.

Pasagot na sana ako nang biglang hawakan ni Mavrei ang balikat ko at huminto sa paglalakad. Nakatingin siya ng diretso sa aking mukha. "Aaminin ko na totoong hindi naniwala si Rylee nang makita niya sa icarus of time na magkakaroon kayo ng anak at magsasama ng masaya dahil si Shen ang mahal niya noong panahon na iyon. Wala siyang alam tungkol sa iyo. At nakita lang niya ang gagawin ni Xenon sa iyo nang mahuli siya at dalin sa Razafrei. At dahil nawala ang ilan sa kakayahan niya sa icarus of time. Hindi na niya malaman kung nasaan ka at paano kang matutulungan. Ginusto niya na iligtas ka kahit may mahal siyang iba nang panahon na iyon."

At wala akong pakialam doon. Hindi ko masabi sa kanya dahil sayang naman ang effort niya sa pagsasalita nang ubod haba. At mukhang nasa panig si Rylee.

"Hindi naman ang sinabi ni Larena ang nasa isip ko."

Napatingin si Mavrei sa iba pa naming kasama na nananahimik lang. Mukha silang mga puyat. At nang ibaling muli ni Mavrei ang tingin niya sa akin, para na siyang naguguluhan. "E ano ba ang nasa isip mo? Akala ko naman nasaktan ka sa sinabi ni Larena."

"Gusto kong liwanagin sa inyo na hindi ko mahal si Rylee."

Tumabi sa akin si Mavrei saka bumulong. "Hinaan mo lang ang boses mo."

Imbis na hinaan. Nilakasan ko lalo ang boses ko para marinig nilang lahat. Ayoko na tingnan nila ako ng may awa dahil hindi ako ang talagang mahal ni Rylee. O 'di kaya naman tingnan ng may inis dahil ako na ang pakakasalan ng pinuno nila. "Wala akong nararamdaman na kahit ano para kay Rylee Alastair, sinama ko na pati apelyido niya para kumpleto! At isaksak nilang lahat sa kokote nila na lalong hindi ako masasaktan sa sasabihin ng nila na may mahal siyang iba!"

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now