CHAPTER 54

919 64 33
                                    

Sorry kung may mga typo or grammatical error kayong mapansin. Pasensya na at matagal ako mag-update. Pagod na kasi mata ko bago pa ako makauwi sa bahay. 500 sa kaliwa na may astigmatisms at 525 sa kanan last year, iyan ang kundisyon ng mga mata ko na baka tumaas na ulit ngayong year. Haha. Sakitin ang mata at ulo ko ng inyong lingkod eh. Salamat sa patuloy na pagbabasa. I love you, guys! Sobra!

 I love you, guys! Sobra!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 54 | FIGHT

Matinding hirap ang kailangan kong harapin para manalo sa laban. Lalong hindi madaling kalaban si Xenon dahil mayroon siyang dugo galing kay Icarus. Kailangan kong humingi ng bonggang kapalit kay Malori. Dapat marami para sulit naman ang pagod ko, para hindi niya na rin ako mapakialaman.

"Kaya mo bang baguhin ang nakaraan?"

"I can only show you anything from the past."

Wala ito. Weak. Pero ayos lang sa akin, inasahan ko naman ang sasabihin niya. Nagbaka sakali lang ako. Alam ko naman na ang tumingin sa nakaraan ay pagpapaalala lang sa mga nangyari na at wala nang iba pa.

"Naiintindihan ko. Ang mga gusto ko ay, una, hayaan mo na makita ko si Icarus sa nakaraan— araw-araw. Ikaw ang magbibigay ng pocket watch sa akin para mapuntahan ko siya. Wala akong pakialam kahit magsimula ako noong bata pa siya. Basta dalin mo ako sa kanya wala tayong magiging problema."

"And?"

"Pangalawa, hayaan mong sabihin ko sa kanya ang tungkol sa sarili ko. Hayaan mo na malaman niya ang buhay ko. Kung nasaan ako. Kung ano ako. Ang hindi ko lang sasabihin sa kanya ay ang tungkol sa hinaharap niya."

"Anything else?"

"Mayroon pa. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Hayaan mo na mahawakan ako ni Icarus. Na maramdaman niyang kasama niya ako."

"Win and I will grant all your wish."

All my wish. All, she said. Nabuhayan ako ng loob. Para bang kahit anong panganib ang harapin ko, makakayanan kong lagpasan. Pakiramdam ko nga biniyayaan ako ng malakas na kapangyarihan. Ganito pala ang pakiramdam kapag diterminado ka. Parang lahat kaya mong gawin at lagpasan.

"Mananalo ako, Malori."

Umalis ako sa imperium of time matapos kong makausap si Malori. Doon ko na naramdaman ang unti-unti kong paghina. Ramdam ko na mayroong masakit sa katawan ko at tumaas ang uhaw na aking nararamdaman.

Nang imulat ko ang aking mga mata, mukha ni professor Skaia ang una kong nakita. Nakasalampak sa lupa ang mukha niya habang nakadapa. Mukha siyang nabibigatan at nahihirapan. Nang maramdaman ko na tila mayroong mabigat na gravity na bumabalot sa buo niyang katawan, bigla akong napabangon. Hinanap ko agad si Akkey.

Nakita kong nakatayo si Akkey sa tabi ni Mavrei, dalawang metro ang layo mula sa akin. "Pakawalan mo na si professor Skaia."

"Ano ang nangyari sa iyo?" he asked.

RETINA : THE POWER OF ICARUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon