CHAPTER 39

1.1K 68 20
                                    

CHAPTER 39 | BISQUE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 39 | BISQUE

Pinagmasdan ko ang buong pangalan ni Levira na nakasulat sa bato na nasa aking harapan. Dahil doon, ilang ulit pumasok sa isip ko ang sulat kamay ni Icarus at ang mensaheng nakasulat mula sa liham na hawak ni Edison Ladsen.

Ilang ulit ko nang tinatanong sa sarili ko na, bakit mo iyon ginawa? Tanong na hindi ko mismo magawang itanong kay Icarus. Ang hindi ko rin maintindihan sa sarili ko ay kung bakit gusto kong malaman ang dahilan.

"Akkey—"

"Bakit?"

"Minsan ba naramdaman mo na parang gusto mong malaman iyong isang bagay tungkol sa isang bampira? Na para bang gagawin mo iyong lahat malaman mo lang iyong gusto mong malaman."

Sinulyapan ko si Akkey nang wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Ang asul niyang mga mata ay nakatingin lang din sa akin habang mahahalata sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pagtataka.

"Hindi kita maintindihan. Puwede linawin mo iyong tanong mo?"

Ibinaling kong muli sa bato na nasa harapan ang aking tingin. Hindi ko siya kayang tanungin ng diretso. Parang nakakahiya. "Example lang ito ha? Baka magalit ka sa akin sabihin mo naman assuming ako. Kunwari malapit ang loob mo sa akin. 'Tapos biglang pakiramdam mo parang gustong-gusto mong malaman kung mahal ko si Rylee. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin nun?"

Gumuhit ang inis sa mukha ko nang marinig kong tumawa si Akkey. Kaya tiningnan ko siya at sinimangutan.

"Akkey, ha, seryoso ako."

Pinilit ni Akkey na hindi matawa bago siya tumingin ng diretso sa akin. "Example lang ba talaga iyon? Para kasing namemersonal ka e."

Pinagsasabi niya?

Tinaasan ko siya ng kilay saka ako tumayo at naglakad palayo. "Bahala ka na nga diyan. Hindi ka makausap ng matino."

"Isa lang ang ibig sabihin no'n."

Inintay niya talang mainis ako ha. Huminto ako sa paglalakad saka humarap kay Akkey. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"Mahal mo siya kaya gusto mong malaman kung may mahal siyang iba."

Imposible naman ata iyon sa akin. Hindi kaya ng utak ko na isiping magkakagusto ako sa isang bampirang nabubuhay sa nakaraan at patay na sa panahon kung saan buhay ako. Kasi parang ang saklap naman ata nun.

"E paano naman kung kailan mo pa lang siya nakilala?"

Sinundan ko ng tingin si Akkey nang lumapit siya sa akin. Pakiramdam ko may gagawin siyang hindi maganda kaya umatras ako. Ang kaso, lalo siyang lumapit at humawak pa siya likod ko para hindi ako makawala.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now