CHAPTER 7

2.1K 115 7
                                    

CHAPTER 7 | OSELVER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 7 | OSELVER

Ang nasa isip ko, katawagan lang sa kakayahan ng mga bampira ang salitang, 'icarus.' Tulad ng sinasabi nilang, 'icarus of time.' Pero sa sinasabi ni Heleina ngayon parang tao o bampira na ang tinutukoy niya. Hindi maganda itong wala akong masyadong nalalaman. Pakiramdam ko madali akong maloloko tulad ng ginawa sa akin ni Xenon.

Pero una sa lahat, gusto ko munang makilala ang lahat ng bampira na narito. Kaya naman nagtaas ako ng kamay para makuha ang atensyon ni Heleina. Humingi ako ng pabor sa kanya na makilala ang lahat ng narito. At maayos ang naging pakiusap ko sa kanya. Pero—

"Obligasyon na iyan ng leader sa team mo. Maaari mo siyang tanungin mamaya."

Ang suplada ng tono ng pananalita ni Heleina. Ramdam ko na ayaw niya sa akin at para siyang naiinis. Alam ko rin sa sarili ko na pinipilit lang niya na pakisamahan ako dahil sa utos ni Rylee. Napansin ko ang mga tingin niya sa akin. Tumatagos sa katawan ko. Umaayos lang naman ang pananalita niya sa akin kapag kasama namin si Rylee.

Spotted ang isang plastic.

"Okay. Hindi mo kasi ipinaliwanag agad."

"Sinabihan kita na maaari mong tanungin si Akkey sa mga bagay na hindi mo naiintindihan."

"At hindi sa mga bampira na hindi ko kilala."

Na-focus ang tingin ko sa harapan nang ilang segundo lang nawala na roon si Heleina. Sa ilang kurap lang ng mga mata ko, nasa harapan ko na siya at nakaumang na itatama sa akin ang mahaba niyang kuko. Pero hindi natuloy dahil hawak ni Akkey ang braso ni Heleina. Ang bilis. Ni hindi ko nakita na umalis silang dalawa sa puwesto nila.

Ang hina naman pala ng pasensya nitong si Heleina. Hindi siya bagay magturo.

"Ano ang problema, Heleina? Member ng team ko ang balak mong saktan. Hindi ba dapat ay sa akin ka muna dumaan?" maangas na sabi ni Akkey.

Parang umatras ang kuko ni Heleina sa daliri. Hindi na iyon mahaba at matalas. "Turuan mo ng tamang asal ang mga member mo. Huwag mo silang itulad sa magaslaw mong ugali." Nang bitawan siya ni Akkey, agad na bumalik sa unahan si Heleina.

Napansin kong nangingiti ang ilang member ng team namin imbis na umawat.

Weird. Ano ang nakakatawa?

Ang kaso— nagkaroon ako ng problema nang sa akin na tumabi si Akkey. Kung alam ko lang na babantayan niya ako ng ganito, nagpakabait na lang sana ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matagalan ang presensya ng lalaking ito. Nakakaramdam ako ng hiya na hindi ko maintindihan. Siguro dahil sa nagawa ko sa kanya.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now