CHAPTER 34

1.2K 69 4
                                    

Sabi ko ayokong hatiin ang chapter na ito. Pero habang isinusulat ko lalong nahaba at wala pa rin ako sa ending ng eksena na gusto ko. Nasa 3.6k words na. Katumabas ng dalawang update pero hindi pa rin 'tapos ang eksena na gusto ko. Lol. Kaya pinutol ko na. Itong chapter 34 nasa 2.3k words, nag-adjust ako para sumakto kung saan ko tatapusin.  At iyong chapter 35 na lang ang ilalagpas ko ng word count. Kung hindi pa rin kaya, baka putulin ko na naman. Ano ba naman kasi iyang laban nila sobrang haba. Hahaha! Kaya ngayon, ito na muna. Aayusin ko ulit mamayang gabi iyong chapter 35. Sana matapos ko na para ma-publish ko na rin agad. Makabawi man lang ako sa matagal kong update. Sobrang busy kasi e. Eleven na ng gabi ako nagsimula magsulat.

 Eleven na ng gabi ako nagsimula magsulat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 34 | EXPERT

Salubong ang kilay ko nang humarap ako sa malaking salamin ng aking silid.

"Nakakailang talaga itong pinasuot nila sa akin."

Lalaban ako mamaya para sa misyon namin 'tapos pinagsuot nila ako ng dress. Ano ba naman iyon. Paano kung mapalaban kami ng mas maaga, 'di hindi na ako nakapagpalit ng dami.

Hindi rin nila pinalagpas ang mukha ko, nilagyan pa nila ng makeup. 'Tapos kanina halos maduling ako sa pagsusuot ng contact lense. Madali na lang daw kasi machine na maglalagay, iyon naman pala imumulat ng husto mata ko. Natakot pa ako dahil baka matusok nu'ng robot iyong mata ko. Hindi na ako uulit doon.

Pinagmasdan ko ng malapitan ang mukha ko sa salamin. Mukha na tuloy akong mataray kahit ang totoo mabait naman ako. Kung bakit naman kasi kasama pa sa plano ang magsuot ng damit na naaayon sa gagawin namin.

Dami nilang arte.

Ang malupit na dahilan kung bakit ganito ang ayos ko ngayon ay dahil sa nangyaring meeting kahapon. Iyong meeting na tumagal lang ng isang oras ang explanation ng plano at limang oras para sa tanungan at pilitan. Ang tindi nila. Mas matagal pa iyong inabot ng diskosyunan nila kumpara sa plano. Daming mga nag-inarte.

Isa sa nagpatagal ng meeting kahapon ay noong pinilit ang isang member ng team Blue Whales na si Clyde Vanwing sa isang importanteng misyon. Iyon ay ang alamin kung saan isasakay ang mga dampri na dadalin sa Razafrei Organization. Dito sa Retina Organization, si Clyde lamang ang mayroong icarus of vision tulad ni Eena— kapatid ni Akkey John Oselver Alastair.

Dahil hindi na makakasama sa misyon namin si Eena, kasalanan ni Akkey, si Clyde ang piniga ng husto sa meeting kahapon. Ang gusto kasi ni Clyde, pumili na lang ng iba ang mga leader ng Retina Organization dahil hindi niya kayang tapatan ang gagawin dapat ni Eena. Ipinaliwanag niya rin kahapon na silhouette pa lang ang makikita niya sa likod ng isang manipis na wall. At ayaw niyang makapagbigay ng maling impormasyon na maglalagay sa amin sa kapahamakan.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now