Epilogue

412 30 18
                                    

Epilogue

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Epilogue

Ang dami kong gusto kong tanungin kay Rima, or should I call her Levira? Ang problema, hindi ko maintindihan kung bakit ni-isa sa mga iyon, hindi ko magawang itanong sa kanya. All I know is that I'm desperate—desperate to hear those words.

The Imperium of reincarnation exist...

I will believe her. Wala akong pakialam kung gaano kasakit o kabigat ang mararamdaman ko, kung sakaling malaman kong nagsisinungaling siya sa akin. Ang mahalaga, nagbakasakali ako. Ayos lang. Kahit masaktan ako. Kahit paulit-ulit pa.

"You might ask for some proof kaya bibigyan kita. Ito rin ang binigay kong proof kay Keegan kaya siya naniwala sa akin pero hindi ko alam kung gagana rin sa 'yo. Natatandaan mo ba iyong araw na tinanong tayong lahat kung sino ang espiya ni Xenon sa Retina Organization?"

"Natatandaan ko." I answred.

"Hindi ako nahuli dahil hindi ko naman sinabi ang totoo kong pangalan. Hindi ako kinikilala ng imperium of lies bilang Rima, kundi Levira."

Sinundan ko ng tingin si Rima nang maglakad siya pabalik sa kuwarto ko. Naupo siya sa sofa. "Wala sa listahan ng mga imperium ang kakayahan ko, dahil bilang lang ang nakakaalam tungkol dito. Kasi kung maraming nakakaalam, maraming aagaw nito sa akin. Kaya hindi ko pinagsabi."

Nakangiting tumingin sa akin si Rima. "Actually, three times akong puweding ma-reincarnate. Pero dahil ibinigay ko kay Icarus ang kakayahan ko. Nabawasan na iyon ng isa bago pa ako mamatay. Kaya isang beses na lang akong puweding ma-reincarnate ngayon. Puwede niyo—"

"Wait!" I stopped Rima from talking. Hindi makasabay ang isip ko sa dami niyang sinasabi sa akin. Valid ang proof niya at mukhang marami pa siyang puweding ibigay sa akin kung hihingi ako. Pero may gusto akong linawin sa sinabi niya. "Ibinigay mo kay Icarus ang kakayahan mo?"

"Sinabi ko na nga kanina 'di ba? Regalo ko iyon sa kanya. Iyon ang dahilan kaya ko hiniling sa kanya na patayin niya ako at inumin niya ang dugo ko." She answered.

Iyong dugo ko, pakiramdam ko nag-multiply. Lumagpas sa isang daang pursyento ang enerhiya ko.

"Ibig mong sabihin si Icarus—"

"Pero may kundisyon ang imperium of reincarnation bago mo iyon magamit, Seira."

Ang enerhiya kong mataas biglang bumaba. Sa tono ng pananalita niya parang alam ko nang wala akong dapat asahan. Kung ma-reincarnate man si Icarus tulad ni Levira, imposible na hindi niya ako mahanap. Imposbile na hindi niya ako makita at lalong imposible na hindi ko siya makita.

"Gano'n ba." I said.

"Ang kondisyon ng imperium of reincarnation bago ma-activate ay kailangan mong maipanganak sa kahit na sino sa miyembro ng iyong buong pamilya. Wala nang natira sa angkan ng Retina pero mayroon pa sa angkan ng Lola ko na Vanwing. Kaya heto, naipanganak ako bilang si Rimalin Alastair Vanwing."

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now