CHAPTER 35

1.1K 58 3
                                    

CHAPTER 35 | START

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 35 | START

Napatingin ako kay Akkey nang hawakan niya ang ibabaw ng kamay ko. "Ayos ka lang?"

"Kanina pa nakatingin sa iyo iyong dalawang sundalo na malapit sa mga batang naglalaro. Kanina ka pa tulala, 'di ba sinabihan na kita kahapon na gumalaw ka minsan pag may titingnan ka. Baka mahalata ka nila," dagdag pa ni Akkey nang sa isip ko lamang naririnig.

Sorry. Nakalimutan ko.

"Ayos lang ako. Marami lang akong iniisip."

Tumango si Akkey saka ngumiti. "Naiintindihan ko."

May sasabihin ako sa mga leader ng Retina, tulungan mo ako.

Pasimple na pinisil ni Akkey ang pangatlong pendant sa suot kong bracelet. Paraan iyon para makausap ko ang mga leader ng Retina Organization. Nang marinig ko ang 'connected' sa suot kong earphone sa bandang kaliwa, narinig ko agad ang boses ni professor Vandor.

"May balita ka na, Seira?"

"Mayroon na professor Vandor. Inilalabas na ang mga dampri at isinasakay sa kulay itim at malaking sasakyan. Suot pa ng mga dampri ang uniform nila sa Retina Organization. At sa nakita ko. . . mukhang patay na sila. Nangingitim ang magkabilang pulso at paa nila. Sa tingin ko nadala na sila sa Razafrei Organization."

"What?!" dinig kong sabi ni Heleina mula sa communication device.

"Nanginginig ang boses mo. Kumalma ka," sabi ni Akkey nang sa isip ko lamang naririnig.

At paano ko naman iyon gagawin? Nakikita ko ang katawan ng mga dampri na ipinapasok sa sasakyan na akala mo basta lang isinaksak sa loob. Naaawa ako sa kanila, na ultimo iyong dinanas nila bago sila mamatay naiisip ko. Hindi ko naiwasan ibuhos ang nararamdaman ko. Feeling ko nga pasigaw ko na iyon nasabi sa isip ko.

"Alam ko. Pero kung padadala ka sa nararamdaman mo, magugulo lang ang isip mo," paliwanag ni Akkey. Tinanggal ko ang pamumula ng aking mga mata at nakita ko siyang sumandal saka ngumuso na akala mo nagtampo.

Nabaling ang atensyon ko sa communication device na nasa tenga ko nang marinig ko ang medyo nanginginig na boses ni professor Vandor. "Sigurado ka ba sa nakita mo, Seira? Tingnan mo ulit ng mabuti. Baka ilusyon lang ang nakita mo."

Huminga ako ng malalim dahil alam ko na masasaktan si professor Vandor sa isasagot ko. Sa aming lahat sa Retina, siya ang alam kong mabigat ang dinadalang problema. Sigurado ako na iniisip niyang responsibilidad niya ang kaligtasan ng mga Dampri dahil siya ang leader nila. Pero heto at marami sa mga Dampri ang nawala.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now