CHAPTER 13

1.5K 84 6
                                    

CHAPTER 13 | LINK

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

CHAPTER 13 | LINK

Ano ang nangyayari?

Maraming sumisigaw na parang natataranta, sa tantsa ko ay mula iyon sa labas. Pero sigawan lang naman iyon. Baka away bampira lang. Hindi ko na siguro dapat pa iyong intindihin. Tutal may dumidisiplina naman sa mga pasaway na bampira rito.

Pero nagkamali ako. Dahil ang sigawan na aking narinig ay sinundan ng malakas na pagsabog. Isang malutong na mura ang nasabi ko sa tindi ng naging impact nito kung saan ako naroon. Sigurado ako na malapit lang iyon dito.

Pero sino ang sira ulo na magpapasabog dito sa Retina? Sobrang laki ng lugar na ito. Hindi kaya— si Xenon?

Pinunasan ko ang luha sa aking magkabilang pisngi saka ako nagmamadaling tumayo. Sa mga ganitong pagkakataon walang mapapala ang magpa-panic.

"May kalaban ba? Baka kailangan nila ako sa labas," dinig kong sabi ni Mavrei.

"Dito ka lang. Hindi pa natin alam ang totoong nangyayari sa labas. Delikado," dinig kong pag-awat ni Akkey sa tila parang desidido nang si Mavrei.

Nang bubuksan ko na sana ang pinto para lumabas, bigla kong narinig ang tinig ni Xenon. At para iyong isang bulong na humalo lamang sa hangin upang dalin sa kung saan ako naroon.

"Sa akin ka lang makikinig, Seira."

Mabilis akong napatingin sa buong paligid upang alamin kung saan nanggaling ang boses na narinig ko. Pero wala namang ibang narito sa kuwarto kundi ako lang. Magkahalong kaba at galit ang naramdaman ko nang muli kong maalala ang ginawa sa akin ni Xenon.

"Ganyan nga, Seira. Huwag mong kalimutan kung sino ang dahilan kung bakit ka naging malakas."

Bakit naririnig ko ang boses ni Xenon na para bang malapit lang siya sa akin? At alam din niya kung ano ang nangyayari sa akin. Ibig sabihin nakikita niya ako. Nandito siya.

"Nasaan ka!? Lumabas ka rito!"

"Nandito ako para kunin ka. Kaya ikaw ang lumabas dito."

Nanginig ang buong kalamnan ko at hindi ako nakakilos ng maayos.

"Hi-Hindi ako sasama sa iyo!"

"Hindi mo ako susundin, Seira?"

"Ano ang ibig mong sa—"

Bigla akong napaluhod sa tindi ng sakit.

"Aahh!"

Ang barcode na nasa aking leeg ay parang sinusunog sa aking balat. At sa sobrang sakit, halos makayod ko ng kuko ang balat sa aking leeg sa tindi ng paghawak ko. Pakiramdam ko sinasakal at unti-unti akong sinusunog ng buhay. At nang mapahiga na ako sa sobrang sakit, isang pangalan lang ang naisagaw ng aking tinig.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now