CHAPTER 51

899 59 18
                                    

CHAPTER 51 | WILL

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 51 | WILL

Huwag mo akong idamay puwede? Gusto ko nang sumagot doon sa boses na naririnig ko pero halata naman na hindi makakarating ang boses ko kung nasaan man ang lalaking iyon.

Hindi ko kinakaya ang nararamdaman kong presensya niya mula sa kung saan man. Sobrang nakakapanghina ang mga salita niya. In short, isa siyang malaking purwisyo! Hindi ko malaman kung pinaparangya niya lang sa akin kung gaano siya kalakas. Well, congratulations sa kanya dahil nagwagi siya. Feeling ko nga sampung beses siyang mas malakas sa pinuno namin dito sa Retina na si Rylee. Nakakaloka.

Boses pa lang niya ang naririnig ko. Paano pa pag nakaharap ko na siya? At wrong timing siya dahil nasa gitna ako ng training na mayroong parusa.

Sa totoo lang ayoko magpadala sa mga naririnig ko dahil hindi naman niya ako masasaktan kung sino man siya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit parang inaagaw niya ang lakas ko.

"Seira?"

Sinulyapan ko si Akkey nang marinig ko ang boses niya sa isip ko. As usual, mukha na naman siyang nag-aalala.

"Ayos lang ako."

"Kung nanghihina ka—"

"Ayos lang ako. Okay?"

"Hindi ka okay."

"Please, Akkey."

Ayoko na bigyan ako ng special treatment dito. Kung magsasabi ako na nanghihina ako, sigurado na palalampasin lang nila itong nangyari at hihintayin na lang nila na maging maayos ako.

"Okay, I'm sorry," Akkey said.

Sa totoong laban, kapag nanghina ka, advantage ng kalaban iyon at wala ka nang magagawa. Kaya dapat dito pa lang matuto na akong lumaban kahit nanghihina ako. Hindi ko kasi puwede idahilan sa makakalaban ko na, sandali nanghihina ako wait ka lang diyan. Ang laban dito sa Eves, ang unang namamatay ay iyong mahina.

Tumayo ako ng maayos kahit pakiramdam ko bibigay ang tuhod ko. Habang hawak ko nang mahigpit ang scythe na ginawa ko gamit ang sarili kong dugo, sinugod ko si Mavrei. Halata ko sa naging reaksyon niya na nabagalan siya sa galaw ko. Doon ako nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili ko. Sana hindi niya isipin na mas pinipili ko na siya ang maparusahan imbis na si Akkey. Kasi kung ako ang tatanungin, ayoko na nahihirapan silang pareho o kahit na sino sa team Cornea.

Ihahampas ko na sana nang buong lakas ang hawak kong scythe sa ginawang shield ni Mavrei, pero bigla na lang itong nawala sa porma. Kumalat iyon na parang butil-butil na dugo sa hangin bago bumalik sa katawan ko na parang in-absorb ng balat ko.

"Seira, seryoso ka ba sa ginawa mo?" professor Skaia asked.

Wow huh? Gusto ko tanungin si professor Skaia kung bulag siya. Hindi ba niya ako nakikita kahit nanlalaki tingin niya sa amin kanina pa? Pinilit kong lumaban sa ganitong sitwasyon 'tapos itatanong niya kung seryoso ako. Galing din.

RETINA : THE POWER OF ICARUSWhere stories live. Discover now