CHAPTER 59

821 57 11
                                    

RETINA
THE POWER OF ICARUS
Written by SomeoneLikeK————————————
CHAPTER FIFTY-NINE
A FRIEND

Wow naman. Si Xenon Benforth, nag-aalok na makita ko ang imperium niya? Sigurado ako na hindi ito isang himala. Dahil malabo na alukin niya akong makita ang imperium niya nang walang kapalit.

Tinaasan ko ng kilay si Xenon para malaman niyang hindi ako na-impress sa ipinakita niyang tiwala sa akin. Tiwala, na ipakita ang isang bagay na hindi mo dapat ipakita sa sarili mong kalaban.

"Ano naman ang kapalit kung sakaling makita ko ang imperium mo? Tulungan kita sa plano mo? Salamat na lang pero may sarili akong plano. At para na rin sa kaalaman mo, salungat iyon sa plano mo. Kaya hindi mo ako mahahatak dito sa Razafrei."

Tumango si Xenon na para bang naunawaan niya ang sinabi ko. Medyo hindi ako makapaniwala na naintindihan niya ako sa isang sabi lang. Dahil noong nakiusap ako sa kanya na, tama na, hindi naman siya huminto—hindi rin siya nakinig.

"I see. You're one of them," he said.

One of them? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Gusto mong maibalik sa mga bampira ang bansang Eves?" he asked.

Oh. Alam ko na.

Iniisip ni Xenon na kapareho lang ako ng mga bampira sa Retina Organization na balak bawiin ang bansang Eves. But he's wrong. Ginagawa ko ito para sa isang pureblood na gusto kong makita at makasama. Hindi na ito tungkol sa Eves.

"Hindi iyan ang gusto ko," I answered.

Xenon nodded. "May mabigat kang dahilan, naiintindihan ko."

Nasusuka ako sa tuwing sinasabi niyang, 'naiintindihan ko.' Hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi niya dahil naririnig ko iyon na para bang puno ng kasinungalingan. Wala talaga akong tiwala sa kanya kahit na ano ang gawin kong kumbinsi sa sarili ko—na hindi niya sinasadyang maging masama sa akin noon.

Nang makita kong may binuksang drawer si Xenon, sinugatan ko agad ang daliri ko. Mabuti na ang handa. Kailangan mabilis akong makagawa ng pang laban sa kanya. Baka mamaya hindi na maganda ang balak niyang kunin sa drawer na iyon. Natuto na ako.

"Calm down, Seira. I can smell your raging blood."

Oh shut up. Hindi niya ako masisisi kung ganito ako manigurado sa kanya. Dahil wala naman siyang ginawang mabuti sa akin.

"Anong kukunin mo?" I asked. At nagbabanta ako.

"Syringe," he answered immediately.

In a blink of an eye, I created a sword that can pierce his heart from afar. Pero nakaiwas siya. Masyado siyang mabilis—to the point na hindi ko napansin kung saang banda siya umiwas.

"I said calm down!" he shouted.

Just from his words, parang hinila ang buong katawan ko pabagsak sa sahig sa sobrang panghihina—bago pa ako makalingon kay Xenon. Wala akong naramdaman na ganito habang kausap ko siya kanina. So why? Anong ginawa niya sa akin? Nakakapanginig ng buong kalamnan ang galit niya.

"Hindi kita sasaktan, Seira."

"Ano ang tawag mo diyan sa hawak mo?!"

Ipinakita ni Xenon ang hawak niyang syringe. Amoy ko mula roon ang dugo ng isang tao. Pero hindi lang iyon normal na dugo ng tao. May naaamoy pa akong iba. Hindi ko lang malaman kung ano iyon dahil ngayon ko lang iyon naamoy sa buong buhay ko.

"Hindi mo naamoy kanina bago ko ilagay?" Xenon asked.

Iginalaw ko ang mga daliri ko nang unti-unti kong maramdaman na bumabalik na ang lakas ko. Kung ano mang hokus-pokus ang ginawa niya sa akin kanina, sana bumalik sa kanya. Siya naman ang manghina!

RETINA : THE POWER OF ICARUSOnde histórias criam vida. Descubra agora