LXVI. Everything Comes To An End

65 2 5
                                    

"Sigurado po ba kayo dito sa gagawin niyo, sajangnim?" Tanong ni Eunhyuk sa kanya habang naglalakad sila palabas ng SME building.

"Sigurado ako." Simpleng sagot ng matanda.

Wala namang nagawa si Eunhyuk kaya dinala niya si Mr. Lee sa lugar kung saan nakakulong ang sinasabing nagsimula ng anomalya sa buong SME.

Nakarating sila ro'n matapos ang medyo mahabang byahe. Bumaba sila mula sa sasakyan at pumasok sa loob kung saan makakausap niya si Kim Youngmin.

Nakaupo si Mr. Lee do'n habang hinihintay na ilabas ang dating CEO at nasa gilid din naman si Eunhyuk na nakasandal sa may pader.

Bumukas ang pinto sa kabila at napansin nga niyang pumasok do'n sa cubicle si Kim Youngmin. Nagulat siya ng makita ang may-ari ng SM Entertainment do'n... nakaupo at nakatingin lang sa kanya.

"L-Lee sajangnim." Nautal niyang sambit.

"Maayos naman ba ang trato sa 'yo dito?" Malumanay niyang tanong kahit na alam naman nila kung anong ginawa niya at iba ang trato nila sa mga bilanggo.

Umupo siya sa upuan at humarap kay Mr. Lee, "O-Okay lang naman po." Saka yumuko. "Bakit pinag-aksayahan niyo pa ng panahon na puntahan ako dito?" He asked.

"Hindi ako nag-aaksaya ng oras kaya nandito ako ngayon." Tugon ni Mr. Lee. "Gusto ko lang naman kase talagang malaman kung gano'n ang ginawa mo sa pinakamamahal kong kumpanya." He said in a monotonous tone.

Napatingin si Eunhyuk sa kanya. Mukhang napansin nito ang tono ng matanda.

"Sasabihin mo ba?" Biglang hina ng boses niya.

Bahagyang ngumiti si Youngmin. "Alam niyo namang walang wala ako kaya niyo ako pinag-aral. Ipinasok pa ninyo ako sa kumpanya niyo dahil nakita niyo 'yong potential ko." Panimula niya.

He was right. Youngmin was orphaned when he was in his high school. Mr. Lee treated him like his own son at pinag-aral ito ng kolehiyo, binigyan niya pa ng pwesto sa SME hanggang sa maging CEO ito.

"But what you've done surprised me. I have a lot of expectations from you pero binigo mo 'ko. All I need is for you to work and have a family and be on your own." Mr. Lee said. "Gano'n nga ang ginawa mo pero, why did you go as far as to let the idols suffer? Wala silang alam, wala silang kinalaman. If it's a problem between the two of us, wag mo silang idamay."

Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ng matanda. That's true. Walang kinalaman ang mga idols pero bakit niya ginawa 'yon?

-

"Ah, seonsaengnim!" Tawag ni BoA kay Mr. Lee ng makita ito na pumasok sa kanyang opisina, kagagaling nila do'n kay Kim Youngmin.

"BoA-ssi!" Nagalak naman ng matanda dahil nakita niya si BoA. Yinakap niya ito, "Kamusta ka na?"

"Okay lang naman po." Nakangiting tugon ni BoA. "Eh kayo po? Nakapagpahinga na po ba kayo? Mukhang pagod na pagod kayo eh." Alala ni BoA. Halata talaga ang pagod sa mukha ng matanda.

"Aigoo!" Saka inakbayan ang dalaga. Ngumiti si Mr. Lee saka, "Masyado kang nag-aalala." Aniya.

"Eh nakakakaba po 'yang itsura niyo ngayon eh. May sakit po ba kayo?" She asked.

Napatawa siya, "Okay naman ang pakiramdam ko. Baka tama ka nga, baka pagod lang 'to. Lagi kang nag-aalala basta sa 'kin ah."

"Syempre naman po, seonsaengnim. Para ko na rin po kayong tatay." Sagot naman niya.

Tumawa ulit ang matanda, "Magpapahinga na po, madame." Salita niya kaya tumawa si BoA. "Usap nalang tayo ulit sa susunod, ha? Mukhang hinihintay ka na no'ng isa do'n eh. Mukhang pati ako pinagseselosan." Salita niya saka tumawa.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon