Sidestory #1

82 2 2
                                    

A/N: I-republish ko lang tapos ayusin ko ulit 'yong sidestory #2.

***

Henry Williard Strathmore


"Prince! Prince Henry!" Habol ni Second sa kanya. Hindi na naman kase pumasok si Henry sa klase niya sa castle.

"Leave me alone, Second!" Sigaw naman ni Henry habang galit na naglalakad paalis.

"Prince!" Sigaw ulit. "Hay naku, 'tong batang 'to, tamad talaga." Bulong niya sa sarili niya.


"Prince, bakit hindi ka pumasok kanina?" Tanong ni Niall IV sa kanya.

"Naiinis kase ako, Fourth." Sambit niya saka tumingala sa mga dahon ng punong sinasandalan niya. "Nando'n na naman kase si Alexius Cornwall. Nakakainis! Nakakainis!" Sabay sabunot sa damo sa tabi niya.

"Prince naman eh! Malayo namang mas magaling ka sa kanya!" Aniya.

"Oo nga naman kase, mas magaling ka kaysa sa kanya!" Sambit ng isang boses kaya napatingala sila.

Tumayo si Fourth at nagbigay galang, "Good Afternoon, Miss Hermione Cornwall."

"Yoni, bakit ka nandito? Hindi ka pumasok sa klase?" Tanong ni Henry. Bakit siya umalis?

"Ayoko pumasok," aniya. "Naiinis ako sa kanya. Ang yabang naman na niya." Sambit niya.

"Kanya?" Pag-uulit niya. "Hindi ba kayo nag-uusap?"

"Hindi na masyado eh. Minsan nakikita ko silang nagte-training ni daddy. Hindi na rin niya ako masyadong kinakausap. Hindi gaya dati na lagi kaming magkasama." Malungkot niyang tugon.

Napatingin si Henry kay Fourth at napatango naman siya saka umalis.

"Hayaan mo na. Malay mo, kailangan niya talagang mag-focus." Sambit ni Henry.

"Siguro nga," sambit ni Hermione.

An awkward silence began enveloping them and you can only hear the wind blows past them.

"Henry." Tawag ni Hermione sa kanya. "Henry Williard Strathmore." Banggit sa pangalan niya kasabay ng pagtama ng kanilang mga mata. "Hindi ko alam kung bakit pero tuwing binabanggit ko 'yong pangalan mo... I feel warmth."

Iniabot ni Henry ang kanyang kamay at tinanggap naman 'to ni Hermione. Hinila niya ang dalaga at yinakap 'to.

Nagulat ang dalaga, "Henry?"

Humigpit ang yakap niya, "Hermione Cornwall. May kailangan kang sabihin, di ba?" Tanong niya.

Bigla nalang namula si Hermione at, "Ano naman? Wala kaya. Pwede bumitaw ka na?"

"Hindi ako bibitaw hangga't hindi mo sasabihin 'yon," aniya.

"Wala nga--"

"Sino 'yong laging nagpapadala ng sulat sa 'kin? Sino 'yong laging nakabuntot sa 'kin? Sino 'yong laging nakatingin sa 'kin kahit ang layo ko? Sino 'yong pasikretong tumutulong sa 'kin kapag kailangan ko ng tulong? Sino 'yong laging nandiyan kapag kailangan ko ng kasama? Sino 'yong laging handang gawin lahat para sa 'kin? Sino 'yong pasikretong nagmamahal sa 'kin?" Tuloy-tuloy niyang tanong kay Hermione kaya tumingala ang dalaga.

"H-Henry," nauutal niyang tawag. "A-Anong sinasabi mo?" She asked.

"Di ba obvious?" Tanong niya saka kumalas.

Tumayo si Hermione at inayos niya ang kanyang damit saka, "Aalis na 'ko, Henry!" Sabay kumaripas ng takbo.

He sighed.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon