XLV. I Hope The World Would Just Stop

75 1 4
                                    

"Ano ba, Chan Yeon!" Salita ni Kai habang sinusundan siya ni Chan Yeon.

"Oppa, hear me out please!" Pagpupumilit ng dalaga.

"Stop! Don't follow me!" Salita niya.

Kai's been like that since that day when Min Joo saw them. Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos no'n. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang sarili dahil he involved himself again with that girl named, Park Chan Yeon.

Chan Yeon was his friend way back nang nag-aaral pa sila. Dikit ng dikit sa kanya si Chan Yeon pero as time goes by, nasanay na si Kai. Nasanay to the point na nahulog na ang loob niya sa dalaga. Liligawan na sana niya pero dahil sa kanila Sehun at Taemin, nalaman niya na palabas lang pala lahat ng ginawa ni Chan Yeon.

Nalaman nilang pumayag sa isang bet si Chan Yeon para magpapansin kay Kai. She went beyond and forgot that bet of theirs, together with her friends. Napaikot nga nila 'tong si Kai pero konting push pa sana para maging sila na pero wala... nalaman na niya. Kai despised her too much, until now. Nagagalit siya tuwing naalala niya ang ginawa ni Chan Yeon. Her mere appearance in the Academy can awaken those memories they shared. Eh paano kase, sineryoso niya si Chan Yeon, tapos bet lang pala lahat. Masakit, di ba?

Ngayon naman na naka-move on na siya, kase dumating si Min Joo sa buhay niya, manggugulo naman siya ulit. Wala ngang matinong araw para kay Jongin simula ng dumating ulit si Chan Yeon. Pero ang ipinagtataka niya, Min Joo is always absent, hanggang ngayon. Apat na araw na ang nakakalipas. Nagtaka na siya kaya pinuntahan na niya si Hee Rin.

Pumunta siya sa rooftop, alam niyang tambayan do'n ng dalaga. Nadatnan niya ang dalaga na nando'n kasama si Lay, nag-uusap sila ni Hee Rin nang dumating si Kai. Bumalik din kase agad si Lay ng Korea pagkatapos ng pag-MC niya sa China.

"Hee Rin, may alam ka ba tungkol sa biglang absences ni Min Joo?" He asked.

"Ang alam ko umalis siya ng bansa. Wala ba siyang sinabi sa 'yo?" Tanong din ni Hee Rin.

Napailing si Kai saka napakunot-noo, "Umalis ng bansa?" He echoed.

"Last time, pinapapunta siya ng appa niya sa London. Hindi ko rin alam kung bakit. Sabi niya, hindi niya rin alam basta pinapapunta lang siya." Sagot niya. "Wait, tanungin ko si Fourth." Sabay labas sa phone niya at tinawagan si fourth.

"Ne, gong joo?" Sagot ni Fourth sa tawag.

"Fourth, alam mo ba kung nasaan si Min Joo ngayon?" She asked, naka-loudspeaker ang kanyang phone.

"Why? Umalis siya ng bansa, di ba?" Tanong din ni Fourth. Tahimik na nakikinig 'yong dalawa pero hindi maiwasang mag-alala ni Kai.

"Oo nga. Anong destination? London, di ba?" She asked.

"Nope. Pinaiwan na siya ng appa niya ng mag-stop-over siya sa Paris." Sagot niya.

"Atsaka, bad news. Si Chan Eun, ipinagkasundo na. Wala kaming nagawa ni Eunhyuk para pigilan 'yon, kahit si Mr. William walang nagawa." Fourth added. Hindi man maka-relate si Kai pero nakikinig pa rin siya. Habang si Lay, tahimik lang din. "Pero ang mas nakakagulat, ipinagkasundo si Chan Eun kay Min Joo. Sorry, princess. We can't do anything." Salita ni Fourth. Pare-pareho silang nagulat na tatlo.

Magre-react sana 'yong dalawa pero, "Planado ba 'to lahat?! That means, magkasama sila ni oppa ngayon sa Paris?! Sino na naman ba nagplano nito?! Si mommy na naman ba?!" Galit na sambit ni Hee Rin. Nagulat naman ang dalawang kasama niya do'n dahil unang beses palang nila marinig at makitang galit si Hee Rin.

"Ca-Calm down, Hee Rin." Salita ni Fourth. Pati siya nautal dahil sa pagbabagong tono ng boses ni Hee Rin, para bang na-overwhelm siya ng dalaga.

"Wala ba talaga kayong magagawa?!" Tanong ulit niya. "How about the other party? Are they doing something about it?!" She asked again.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon