XX. EXO's Contract

151 5 2
                                    

Dumating na nga 'tong si Min Joo sa dining at tinitignan siya ng lahat. Magulo ang buhok at para bang isang taong grasa na linalampasan lang sa lansangan. Kumakain na 'yong iba at siya na lamang ang hindi pa kumakain.

"Ang sakit ng ulo ko." Sambit niya habang naglalakad na parang zombie papalapit sa isang bakanteng upuan.

"Kaya mo na ba?" Tanong nila sa kanya.

"Huh? Bakit? Anong nangyari?" Tanong niyang nanlalaki ang mga mata at tinignan niya sila. "Wala ako masyado matandaan-- Ah! May naalala ako." Sabay upo sa upuan.

"Ano 'yon?" Tanong ni Baekhyun. Napatigil din 'yong iba tila na-curious sa kung anong sasabihin niya.

"Hindi ko sure pero..."

"Pero...?" They echoed.

"Pero may yinakap daw ako. Tapos iyak daw ako ng iyak?" She added at humalakhak. "Ani. Aniyo. Baka panaginip lang 'yon. Wala naman akong pake eh." She said with a smile at nagsimula nang kumain.

Sa sinabi niyang 'yon, napatingin sila kay Kai na walang ginagawa kundi kumain lang. "Lagi naman eh. Lagi ka namang walang pake." Kai voiced in his mind.

"Paano kung 'yong nangyari kagabi... totoo talaga?" Kai asked habang kumukuha ng additional foods niya. Napatingin silang lahat sa kanya dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Wag mo nga 'kong sabihan ng ganyan! Tigil tigilan mo ako, ha?!" Sigaw ni Min Joo habang itinuturo-turo si Kai gamit ang kanyang tinidor.

"Paano kung, sabi ko lang naman!" Sagot ni Kai. "Atsaka, nando'n ako kaya alam ko. May mga sinasabi ka pa nga eh. Wag mo ako iwan, natatakot ako!" Sabay gaya sa boses niya. "Ayaw mo pa nga bitawan kamay ko no'ng una eh!" Dagdag niya pa.

"What the--wait... AH?!" Sambit niya. "So, ibig sabihin..."

"Ano?!" Tanong ni Kai sa kanya na nakakunot noo.

"Ikaw 'yong kayakap ko kagabi?" She asked in a serious face.

Naibuga naman ni Kai 'yong iniinom niyang tubig. Nang marinig nila 'yon, tumawa sila at kinanchawan si Kai. "What the! Mahiya ka nga! Anong yinakap?!" Sigaw ni Kai. "Lasing ka no'n, baka guni-guni mo lang 'yon!" Tanggi ni Kai.

"Pwede bang kalimutan mo nalang 'yon kung ano man 'yon?!" Sabi niya kay Kai.

Tumango naman ito. "Basta ang naalala ko, kumakain kami ni Umin oppa ng cereal." Dagdag niya at nginitian si Xiumin. "Basta wag mo nalang intindihin yung nga pinagsasabi at ginawa ko sa 'yo kung meron, Jongin." Sabi ni Min Joo pero sa kalmadong tono.

Hindi na nagsalita pa si Kai. "May sinabi ba akong pangalan?!" Tanong ulit ni Min Joo.

"Kumain ka na para matanggal hangover mo." Singit ni Hee Rin kaya hindi na siya nagsalita.

"So, ilang sasakyan ang gagamitin natin?" Tanong ni Suho. Tatlong ang sasakyang ginamit nila no'n. Sakto, may kotse din si Lay.

"Wait. Ilan ba tayo?" Baekhyun asked.

"Eighteen." Sagot ni Hee Rin. "Xiumin oppa~ gusto mong mag-drive? Gamitin mo muna ko--"

"Hee Rin, wag!" Halos sabay-sabay na sigaw ng members kaya nagulat siya.

"Bakit?" She asked. Nagulat kase siya sa naging reaction ng members ng masabi niya 'yon.

"Mahabang kwento basta wag natin siyang hayaang mag-drive." Bulong ni Chanyeol sa kanya.

"Ako na nga lang mag-drive." Sambit ni Hee Rin. Hinawakan naman ni Lay ang kamay niya para pigilan siya. "Wag kang mag-drive. Hayaan mong 'yong members ang mag-drive ng kotse mo."

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now