Sidestory #2 pt. 14

13 0 0
                                    

Pt. 14 - I'm In Love With Someone

"Ano ba, Chan Yeon!" Salita ni Kai habang sinusundan siya ni Chan Yeon.

"Oppa, hear me out please!" Pagpupumilit ng dalaga.

"Stop! Don't follow me!" Salita niya.

Kai's been like that since that day when Min Joo saw them. Ilang araw na rin ang nakalipas pagkatapos no'n. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang sarili dahil he involved himself again with that girl named, Park Chan Yeon.

Umupo si Chan Yeon sa isang bakanteng upuan. Napalingon lingon siya at tinitignan ang mga kaklase niya. Masasabing ninenerbyos siya dahil baguhan lang siya sa eskwelahang 'yon. "Bago ka lang ba dito?" Nagulat siya sa tanong na 'yon. Lumingon siya sa kanyang kanan at nakita ang isa niyang kaklaseng nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya.

"Ah, oo." Mahina niyang sagot.

"I'm Kim Jongin, you are?" Pagpapakilala ni Jongin.

"I'm Park Chan Yeon," pagpapakilala rin niya.

"Nice meeting you," aniya. "Iyong nakaupo diyan sa harap mo ay si Oh Sehun at sa kaliwa mo si Lee Taemin. Mga kaibigan ko sila."

Liningon niya ang nasa harap niyang tahimik lang na nakaupo do'n habang nakatungo sa harap. Ang katabi naman niya sa kaliwa na si Taemin ay nakikipag-usap naman sa ibang mga kaklase nila.

"Ganito ba lagi dito?" She asked.

"Ganito kaingay? Hindi palagi. Kapag umaga at break time lang." Sagot ni Jongin. Tinawag niya si Sehun, "Oh? Ah, hi." Bati lang niya sa dalaga.

"Pagpasensyahan mo na. Tahimik talaga siya pero madaldal 'yan kapag close na kayo." Nakangisi niyang paliwanag.

"Shut up, kkamjong." Si Sehun.

"Tumigil ka nga, ang haba pa rin ng baba mo."

"Mas maitim ka pa rin," bawi naman niya.

Napangiti si Chan Yeon dahil sa asaran nila. Napatingin siya sa board ng mapansin ang mga posters do'n. "Anong mga clubs meron dito?"

"Clubs?" Pag-uulit nilang dalawa.

"Uh, oo. Clubs."

Tumawa 'yong dalawa. "Walang clubs dito kase performing arts school 'to. Sigurado ka bang alam mo kung saan kang school nag-enroll?" Tanong ni Sehun.

"Hindi ko alam eh. Ini-enroll lang ako dito ng pinsan ko. Wala akong idea kung anong meron dito, sa totoo lang." Paliwanag niya habang nakayuko.

Natahimik silang pareho. "Kaya mo bang kumanta?" Tanong sa kanya.

"Medyo," tugon niya.

"Sumayaw?" Tanong din ni Kai. Napangiti si Chan Yeon kaya ngumiti rin 'yong dalawa. "Edi magkakasundo tayo niyan." Jongin said.

[...]

"Jongin, Sehun and Taemin!" Tawag ni Chan Yeon sa mga magkakaibigan.

"Yeon!" Kaway naman ni Taemin.

Nang tumagal, naging magkakaibigan na nga sila. Marami ang naiinggit kay Chan Yeon dahil ang tatlo sa pinakamagagaling at pinakasikat sa kanilang eskwelahan ay kanyang mga kaibigan. May ilan din siyang kaibigan na babae pero kaya lang din siya kinaibigan dahil kanila Jongin.

Naglalakad si Chan Yeon sa corridor mag-isa ng harangin siya ng isang grupo ng kababaihan. "Park Chan Yeon," tawag sa kanya.

"Anong kailangan niyo?" Mahina niyang tanong.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now