Sidestory #2 pt. 16

17 0 0
                                    

Pt. 16 - Boyfriend?

Matapos ang mahaba-habang biyahe, nakauwi na si Min Joo sa Korea na may sama ng loob sa appa niya dahil sa nalaman niyang engagement nila ni Chan Eun. Mas lalo pa tuloy siyang nagalit dahil hindi man lang sinabi sa kanya, kung sinabi sana mas okay pa siguro ang reaction niya. Pero kahit gano'n nga ang nangyari, she felt sorry for Chan Eun dahil hindi siya pinayagang makipag-relationship kay Eun Jae. But still, a part of her is thankful, too.

Paglabas niya ng airport, nando'n ang isang lalaking nakatayo na naghihintay sa kanya, para sunduin siya. A small smile flashed on her face upon seeing him. "Welcome home." Sambit ni Taemin saka yinakap siya saglit at kinuha ang gamit niya.

"Ne. Kailan ka umuwi, oppa?" She asked.

"Kahapon lang, katatapos lang kase ng promotions namin overseas eh. It's been a while, may bago bang mga balita?" Taemin asked habang naglalakad na sila palabas ni Min Joo.

"Wag mo 'ko tanungin, oppa. Alam mo namang galing ako ng Paris." She answered.

Napakunot noo si Taemin, "Paris? Akala ko sa London ka pumunta?" He asked as they entered the car.

"Nope. Pinaiwan ako sa Paris." And found out that I'm engaged. She mumbled.

"I see. Rehearsals na yata ngayon, humabol ka nalang." Paalala niya.

"Ne." Simpleng sagot niya kaya napakunot noo si Taemin.

"May problema ba, Min Joo? May kailangan ba 'kong malaman?" He asked.

"Mwo?" She asked. "Wala. Pagod lang 'to." Sambit niya.

Hindi na nagtanong si Taemin.



"Shit naman. Bakit ngayon pa siya nagtawag? Banas." Bulong ni Chan Yeon sa sarili niya. Inayos niya ang dala niyang sling bag na naglalaman ng laptop niya.

Maglalakad na sana siya ulit ng may narinig siyang nag-uusap sa di kalayuan. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang narinig. "Damn that, devil. He's really starting!"

[...]

"Oppa! Luhan oppa!" Tawag sa kanya ng isang boses, may babaeng tumatakbo palapit sa kanya.

"Chan Yeon? Anong problema?" He asked. Bago man sa paningin niyang makausap so Chan Yeon ngayon, hinayaan nalang niya.

Humarap si Chan Yeon, "Oppa, nabalitaan mo naman na siguro 'yong tungkol sa engagement rumor niyo ng girlfriend mo," sabay singhap. "Kilala ko kung sinong nagsabi sa media."

"Sino?" He asked with a serious face.

"Hindi sa naninira ako ng ibang tao, oppa... pero kase coincidentally na narinig ko." Salita ni Chan Yeon.

Naglalakad si Chan Yeon pababa ng building papunta sana siya sa open area sa may 4th floor nang may narinig siya dahilan para mapatigil siya.

"Nailabas niyo ba?" Sambit ng isang lalaki. Nang marinig niya 'yon, sumilip siya roon. Nakita niya ang isang lalaking naka-formal suit, kausap ang isang babae at isang lalaki. Sa pagkakaalam niya, tauhan 'yon ng SME dahil 'yong attire nila ay may SME staff na naka-print sa likod nila.

"Opo, seonsaengnim. Pero sigurado po ba kayo? Malilintikan tayo kapag hindi totoo 'yon." Sambit ng lalaki.

"Totoo 'yon pero hindi ko alam kung sino 'yong babae. Don't worry, nagsisimula palang tayo, kaya kung palpak ako ng bahala." He said.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now