LX. Rendezvous

85 1 0
                                    

"Sa wakas! Nandito na rin tayo!" Pag-iinat ni Tao ng makarating ng airport kasama si Xiumin. Nagkita kase sila sa Dubai no'ng nakaraan kaya nagbalak na silang magsabay papanik ng Maldives. Halos matatapos na kase ang hiatus nila at isang bagong taon na ang sumalubong sa kanila. "Tatanda na naman tayo, hyung." Aniya habang hinihila ang kanilang mga bagahe.

"Oo nga eh. Isang bagong taon na naman ang dumating." Pagsang-ayon ni Baozi.

"Saan na ba sila? Akala ko ba susunduin tayo?" Reklamo ni Tao ng wala siyang makitang sasalubong sa kanila.

"Anong hindi kayo susunduin?" Salita ni Lay na nakasandal sa kotse sa labas.

"Sabi ko nga susunduin tayo." Bawi ni Tao saka pumasok sa kotse.

"Saan tayo mag-stay, Yixing?" Tanong naman ni Xiumin.

"Do'n sa resort nila Hee Rin. Pinasara nga eh para tayo lang daw ang gagamit." Sagot niya.

Tao whistled, "Yaman eh. Hindi kawalan sa kanila kapag nagsara ang isa nilang negosyo."

"Sino pala 'yong kasama mo no'n sa Germany?" Tanong ni Xiumin kay Tao.

"Hm? Kapatid ko." Boring na sagot ni Tao.

"Hindi kayo magkamukha."

"Hindi naman lahat ng magkapatid magkakamukha ah." Sagot din niya.

"Malapit na pala kasal ng hyung ni Sehun. Lahat ba tayo dadalo?" Tanong ulit ni Xiumin sa kanilang dalawa ng nasa loob na sila ng kotse.

"Oo, hyung. Pagkatapos no'n, babalik na rin tayo ng Korea." Aniya.

"Lay, may balita ba kay Suho? Sabi niya sa 'kin hindi raw siya makakapunta sa kasal." Tanong ni Xiumin ng nagsimula nang umandar ang kotseng sinasakyan nila.

"Sabi nga niya. Ewan ko ba do'n." Sagot nalang ni Lay. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano pero hindi niya maiwasan.

Natahimik ang buong sasakyan. Napapaisip si Xiumin dahil sa hindi pagpunta ng kanilang leader. Malamang, dahil na 'to sa kailangan niyang gawin. Isip niya. Hindi niya talaga maiwasang isipin na tungkol 'yon sa mga bali-balitang may papalit na sa Prime Minister ng Korea.

-

"Hyung, nasa'n ka ba? Bakit parang ang ingay diyan." Tanong ng kausap ni Onew mula sa kabilang linya.

"Ah! Pasensya na. Nagkakatuwaan lang kase kaming members eh kaya maingay sa background." Sagot niya. "Nandito kami ngayon sa Maldives, bakit?" He asked.

"Babalik na kase ako ng Korea eh." Aniya.

Napatigil si Onew, "Bakit? Akala ko ba may klase ka?" He asked.

"Hyung, nakalimutan mo yatang exchange student lang ako ng ilang taon. Malamang, babalik na 'ko diyan." Salita niya.

"Ha? Eh ang tagal mo nang nakatira diyan sa Pilipinas... bakit bigla-bigla ka nalang uuwi sa Korea?" Onew asked. "Hindi mo pa nga tapos studies mo--"

"Hyung, babalik na talaga ako diyan kahit anong sabihin mo. Hindi ko na tatapusin 'yong studies ko sa University. Babalik nalang ako diyan." Salita niya.

"Bahala ka. Ingat ka na lang sa pag-uwi. Pasalubong ko, ha?"

"Oo na." Sagot ng nasa kabilang linya saka ibinaba.

"Sino 'yon, hyung?" Tanong naman ni Key kay Onew na katabi niya.

"Ah, kapatid ko. Babalik na raw kase siya sa Korea." Sagot naman niya saka kumuha ng pagkain.

"Oh? May makakasama na naman ako ah!" Aniya. Kasundo rin kase ng buong SHINee 'yong kapatid ni Onew.

"Ewan ko ba do'n, babalik na raw siya ng Korea eh ilang taon na rin naman siyang nasa Pilipinas eh." Salita na naman ni Onew saka uminom ng juice.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now