III. SM Academy

222 6 0
                                    

"Wow." Namangha si Beatrix ng makarating do'n.

"I told you, magugustuhan mo dito." Bago pa man sila makababa sa kotse, "Oo nga pala, Eunhyuk ang pangalan ko dito sa Korea." Paalala niya.

"Okay." Sagot naman niya habang nakatingin sa building na 'yon, katabi niya lang ang SM Entertainment. Heavily guarded ang Academy kase baka may fans, sabihin nalang nating sasaeng fans, na makapasok para na rin sa safety ng idols at trainees na nando'n.

May isang lalaking nakatayo sa may lobby ng academy at para bang may hinihintay. Napansin ito ni Henry kaya tumungo sila agad roon.

"Annyeonghaseyo." Binati nila ang lalaking naroroon.

"You must be Shim Hee Rin, am I right?" Napakunot noo si Hee Rin sa sinabi at mukhang pamilyar sa kanya ang lalaking nasa harap niya ngayon.

  "Ako nga po." Sagot naman ni Hee Rin.  

"Eunhyuk," tawag niya kay Eunhyuk. The latter smiled and greeted him. Mukhang magkakilala silang dalawa.

"I'm Lee Soo Man, the former headmaster of this Academy and CEO of SM entertainment." Nanlaki ang mata ni Hee Rin sa introduction na ginawa ni Mr. Lee. Hindi siya makapaniwalang kaharap na niya ang founder ng SME. Kaya pala mukhang familiar siya sa 'kin.

"It's a pleasure to meet you, sir." Nag-bow siya.

"I'll tour you around as we talk about things, is it okay?" Napatingin silang pareho sa kanya.

"Sure, sir." Tumango sila at nagsimula na silang maglibot sa Academy.

Naglibot sila sa buong school at ipinakita sa kanya ang facilities ng SM Academy. Limang palapag at bawat kwarto ay maluwang. May isang dance room na pang-grupo per floor, except sa first floor, pati na rin music room. Hindi na sila pumunta sa fifth floor dahil para sa mga idol ang floor na 'yon. Doon sila madalas mag-rehearse at mag-practice pero kapag wala nang space do'n sila sa may SM building nagpa-practice.

Papunta sila sa 4th Dance Room ng biglang lumabas galing roon ang SHINee. Nagulat ang members dahil bibihira nilang makita si Mr. Lee. "Annyeonghaseyo." Bati at bow ng members. Nagulat si Bea dahil SHINee naman ngayon ang nakita niya dahil EXO ang nakita niya kanina. Pumunta naman sila sa 3rd Music Room. Pagbukas ng pinto, bumungad agad ang pagkataas-taas na boses ni Changmin ng TVXQ.

Napatigil sila ni Yunho ng makita ang headmaster. "Annyeonghaseyo." Nagbigay galang sila. Ngumiti naman si Mr. Lee.

Nagtungo pa sila sa kung saan. After ng kanilang tour sa academy, dumiretso na sila sa office ng headmaster para pag-usapan ang tungkol sa schedule ni Hee Rin, dahil special case 'yong kanya.

Saka lang nagiging trainee ang isang enrollee dito kapag naipasa niya ang first week test. Tatanggapin siya as trainee. Pero nga, kailangang talented na talented ka at hindi lang 'yon. Kailangan din ng brains, pagalingan sa diskarte. Hayaan mo na 'yang itsura. May plastic surgery naman.

Nakakapasok ang trainees dito kapag nakuha sa Casting System or sa monthly na pagpapa-audition nila, tulad ng sa isang agency. Kapag naipasa mo 'yon, magiging trainee ka sa Academy. Tapos may annual showcases na nagaganap tuwing last week ng October or first week ng November.

Sa annual showcases na 'yon o kilala sa tawag na SMA Festival, ipapakita ng trainees ng SMA ang galing nila. Dadayuhin 'yon ng mga iba't ibang agents ng iba't ibang agencies sa Korea. May offer ang agents sa mga trainees at depende sa kanila kung papaya ba sila or mag-stay muna sila sa Academy. Excluded do'n ang SM Entertainment. May sarili kase silang Casting System.

Iyong iba na trainees na nando'n ay under SME, pero minority lang. Isa na si Hee Rin sa minority na 'yon na kasali under SME pero kailangan niya pa ring mag-undergo ng first week test.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon