Sidestory #2 pt. 6

9 0 0
                                    

Pt. 6 - I Love You

Natuloy na nga sila sa bahay nila Hee Rin at di nila inaasahang mansion nga ito. May music room at dance room do'n kaya pwedeng hindi na sila pumunta ng SME para sa rehearsals, practices and lessons.

Tahimik ang lahat at nagkukumpulan sila. Halatang bored sila.

Biglang nagsalita si Chen, "Second night na natin dito. Ano pwedeng gawin??" Tanong niya sa kanila.

Ang suhestiyon ni Xiumin at Min Joo ay boodle fight kaya umalma sila. Wala na silang inatupag kundi kumain.

Hindi talaga siya nagsasawang kumain? Isip ni Kai.

"Alam ko na!" Sigaw ni Chen na parang nakahanap ng ginto. "Kwento nalang tayo ghost stories," suhestiyon niya.

"UTANG NA LOOB, HYUNG! Wag ngayon!" Singit agad ni Tao. "Luluhod pa ako sa harap mo, basta wag mo lang gawin 'yon!"

Sumang-ayon naman ang lahat na takot sa multo.

"GUYS! Guys!" Tawag ni Chanyeol sa atensyon nila, "Alam ko na!"

Na-curious naman sila, "Ano?"

"Hide and seek! Hide and seek!" Sambit niyang parang bata.

"Madilim! Ayoko!" Protesta ni Tao.

"Try mo kapag maliwanag!"

"Walang thrill kapag maliwanag!"

"Hay naku! Duwag kaseee~" Asar ni Min Joo kay Tao. Naghahanap kase siya ng chance niyang makabawi kay Tao. Hindi naman umimik si Tao at nando'n lang na nakayakap sa mga hita niya.

"Game! Game! Ga bai bo tayo!" Ani Chanyeol. Nakipag-ga bai bo naman ang lahat.

Matapos ang mahaba-habang pag-ga bai bo nila, meron na ngang natalo at si Kris 'yon. Syempre, ang matatalo, taya.

"Okay! Okay! Ready na kayo?!" Sigaw ni Chanyeol.

"Ayokooo! Di ako sasali!" Protesta na naman ni Tao.

"Pagkabilang ko ng tatlo, papatayin ni Baek ang ilaw!" Sigaw na naman niya.

"Papatayin 'yong ilaw?!" Halos sabay sabay nilang reklamo.

"Duh, syempre oo!"

"Hana... Dul... Set!" Le switches off the light!

"First floor lang, ha?!" Pahabol na sigaw ni Chanyeol.

Nagsimula na ang nakakabinging sigaw nila. Dahil nga sa patay na ang ilaw, nagkanda-gulo gulo na sila. Si Tao at Luhan ay parang babaeng sumisigaw at di maintindihan kung anong nangyayari sa kanila. Parang nare-rape na ewan.

Iyong dalawang maknae naman, nagtatawanan. Tapos nakisabay na silang dalawa sa may mga nagsisigawan.

Si Kris na taya, nagbibilang na at talagang naririndi dahil sa mga sigaw nila. Nakaharap lang siya sa may wall.

Si Min Joo naman ay nakatayo lang do'n na parang wala lang ang nangyayari sa kanya. Dahil wala siyang gumawa, humila siya ng kung sinong nakatayo do'n na nagsisisigaw. Hinila niya ito papunta sa may kitchen counter.

Ang ingay ng kanyang nahila, hindi naman niya napansin kung sino ito kaya sinabihan niya ng, "BADTRIP NAMAN! Wag kang maingay! Halikan kita diyan eh!"

Bigla namang tumahimik kung sinong hinila niya.

Halos segundo lang ang lumipas at biglang tumahimik ang lahat.

"Oh~ Sa wakas, you've settled down." Rinig ni Min Joo na sabi ni Kris. It's a faint voice for her.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon