XVI. Preparation

164 4 0
                                    

Nandito lang ako...

Iminulat ni Hee Rin ang kanyang mga mata, nakatingin siya ngayon sa kisame. May napansin siya sa peripheral vision niya kaya tumingin siya sa kaliwa. Kinusot niya ang kanyang mga mata at talagang iminulat niya ito ng maigi. Nagulantang siya sa nakita niya dahil halos tatlong pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ni Lay. Naramdaman niyang uminit ang mukha niya. Akmang aalis na sana siya pero napansin niyang nakayakap ang kaliwang kamay ni Lay sa kanya. Nakaipit ang kaliwang binti niya sa mga binti ni Lay at napansin din niyang ang unan niya pala ay 'yong kanang braso ng katabi niya.

Napalunok siya sa kanyang nakita. "Seriously?!" Tanong ni Hee Rin sa sarili niya.

Matutulog pa sana siya ulit ngunit nagising siya ng gumalaw si Lay. Nagising na siyang tuluyan at 'yon pa rin talaga ang posisyon nilang dalawa. Napatigil siya sa pag-iisip kung bakit naging gano'n ng mapansin niya ang mukha ni Lay habang natutulog.

Napansin niyang mahimbing ang tulog ng binata. Hahawakan na niya 'yong mukha ni Lay ng bigla niyang inimulat ang kanyang mga mata. "Good morning." Bati nito sa kanya pero hindi pa napapansin ni Lay ang position nila.

Agad niyang binawi ang kanyang kamay at, "G-Good m-morning." Nauutal niyang sagot at nararamdaman niya pa ring nag-iinit ang mukha niya.

"Nakatulog ka ng maayos?" Tanong ni Lay. Napansin niya ang kamay niya sa baywang ni Hee Rin.

"Whoa! Sorry." Bigla niyang salita sabay rolyo patungo sa kanilang bahagi ng kama.

"Maliligo lang muna ako sa baba. Ipaghahanda na rin kita ng breakfast kaya bumangon ka na diyan." Sabi ni Lay. Umalis siya ro'n na parang walang nangyari.

Natulog kaming gano'n ang posisyon namin? Ano nalang kayang gagawin sa 'kin ni Eunhyuk hyung 'pag nalaman niya 'yon. He slammed his balled fists onto the wall of the shower room.

Tumingala siya at napapikit. Ang tubig na nagmumula sa shower ay dumampi sa kanyang mukha. "I wonder if I really fell for her." Isip niya.

"Sorry, Min Joo! Sorry talaga." Sambit ni Hee Rin habang pababa siya ng hagdan. "Pasensya kung hindi na ako nakabalik kahapon sa Academy. May inaasikaso lang talaga ako." Palusot niya.

"Gwaenchanha. Papasok ka ba? Malapit ng 8 AM." Tanong naman ni Min Joo.

"Hindi ko alam. Baka hindi na." Sambit niya. "Aayusin ko pa 'yong mga kwarto niyo eh. Punta nalang kayo dito mamaya ni Chan Ki. Bigay ko address... pero wag niyo sabihin sa iba, ah?"

"Sige. Mahuhuli sila Suho oppa kase kasabay nila si Mr. Lee. Mahuhuli talaga si Lay oppa. Hindi na raw siya umuuwi sa dorm nila eh. Nasa apartment lang niya." Napatigil siya ng marinig niya 'yon.

"A-Ah... gano'n ba?" Sambit niyang nauutal habang papunta ng dining. Napansin naman niya si Lay doon sa kusina na nagluluto. "Sige. See you nalang mamaya."

"Okay! Bye," and the line shut off.

"Sino 'yon?" Tanong ni Lay sa kanya habang isine-serve ang pagkain nila sa lamesa.

"Si Min Joo," she answered. "Mukhang nagtatampo kase hindi ako bumalik sa Academy kahapon."

"Ah... Hindi nila alam na nandito ako?" Tanong niya habang inaalis ang apron na ginamit niya.

"Hindi? Atsaka, di ka raw umuuwi sa dorm niyo, oppa." She said kaya nagulat si Lay.

He raised an eyebrow and said, "Nag-aayos kase ako sa apartment ko at kapag gusto kong mapag-isa do'n ako pumupunta."

"Uh... okay." She answered.

"Kain ka na. I cooked omelet." Sabi nito at ipinaharap ang omelet.

"Wow." Sambit niya and she looked at him and smiled. "Thanks."

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now