XIV. Shim Residence

183 5 0
                                    

"Nakakainis naman kayo! Bakit pa kase kayo aalis?!" Bulyaw ni Hee Rin sa mga kapatid niya. Talagang sinigawan niya ang lahat dahil do'n kahit naman alam niyang dahil 'yon sa Royalty.

"Hee Rin. Kailangan kami do'n." Sagot ni Eunhyuk sa kanya.

"Ano 'yon? Kayo lang ang kailangan? Ang daya naman!" Sigaw na naman niya. "I wanted to go to London again. Gusto ko sa mismong sentro. Lagi nalang kase ako sa residence."

Walang umimik sa kanilang tatlo. Hindi rin naman kase nila alam kung anong sasabihin nila sa kanya para hindi siya magtampo. "Sorry Bea. Pero... kailangan naming gawin 'to para sa 'yo." Bulong ni Min Rin sa sarili niya.

Sumigaw na naman siya at halos mangisay-ngisay na rin siya. Umaalingawngaw ang napakalakas niyang pananalita sa buong palapag na 'yon ng bahay nila. "Eh pa'no si Charles? Sabi niya mag-aaral siya." Dagdag niya.

"Pwede naman akong magpakuha ng private teacher niya." Sagot ni Eunhyuk.

"Ewan ko sa inyo!" Sigaw niya saka umalis na nga ng tuluyan sa mansion. Sumakay siya sa kanyang kotse at nag-drive palayo.

"Kuya! Umalis na siya." Salita ni Chan Eun ng nakitang umalis si Hee Rin lulan ng kanyang kotse. Alam nilang nagpipigil din siya kahit na sinabi niyang sasabihin niyang kapatid niya si Hee Rin.

"Hayaan mo muna na siya. Nagtatampo lang 'yon." Tugon ni Min Rin habang inilalagay ang mga bagahe niya sa patrol car ng guards doon. Hindi kase pwedeng magpapasok ng taxi. Alam naman nating super secured 'yong place nila.

"Bilisan natin baka maabutan tayo ng masamang panahon." Padali ni Eunhyuk. "Dapat 9 AM nasa airport na tayo."

"Tama kaya na papuntahin ko sila dito? Tama ba 'yong gagawin ko na ipapaubaya ko muna siya sa kanya?" Eunhyuk thought.

Hindi na nga sumama si Hee Rin sa airport para man lang sana ihatid sila. Kahit na nag-antay sila para do'n, hindi naman nila masisisi kung ayaw ng dalaga. Alam nilang gusto niyang sumama pero hindi pa 'yon ang tamang panahon. Nakatake-off na eroplano. Haharapin na naman nila ang mga batikos sa kanila. Napapikit si Eunhyuk sa naalala niya.

  

"Mr. Lee." Tawag nito kay Mr. Lee Soo Man nang makapasok sa office nito.

"Oh, Mr. Shim. What can I do for you?" He asked.

"Sir, we'll be going back to London. Alam niyo na po yata 'to. Nakwento naman na siguro nila daddy." He said in a straightforward manner.

"I heard about it. Ano namang ipinunta mo dito?" The headmaster asked.

"Wala po kaseng maiiwan sa bahay namin. Pinauwi na po namin 'yong mga katulong kase galing pa po sila ng Pilipinas," aniya.

"What do you want me to do?" Tanong ulit niya. Wala siyang tinatanggihang pabor lalong lalo na kapag ang pamilya nila Hee Rin ang pinag-uusapan. They are good friends.

"Gusto ko po sanang may kasama siya sa bahay. If pwede 'yong mga idols... sila nalang. Kase sila naman ang mga ka-close niya kahit isang linggo palang siya dito sa Seoul. Napansin ko rin kase na ang ganda ng samahan nila eh." Paliwanag ni Eunhyuk.

May kung anong pinindot si Mr. Lee sa iPad niya at para bang may tinitignan siya rito. "Hanggang kailan ba kayo do'n?"

"Hindi ko pa po sure kung hanggang kailan pero baka before po ng Festival, nakabalik na kami dito." Ani Eunhyuk. "Kailan na po talaga kami do'n."

"Alam ko. Being the CEO of your company is difficult to handle. Paano nalang kaya kapag isinama ang pagiging prinsipe mo, Mr. Henry Strathmore?" Saad ni Mr. Lee kaya napayuko si Eunhyuk.

Spellbound [EXO FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora